"It's 11pm na guys. Time to rest. Maaga pa tayo bukas.";maya-maya anunsiyo ni Vic.
Katatapos namin lahat uminom ng kape para kahit pano mawala yung hilo namin dahil sa alak.
Kahit anong pilit nila sakin nila Nancy na ikwento yung nakaraan ko.
Ayoko muna alalahanin kaya tinanggihan ko munang isiwalat. Sinabi ko na in time masasabi ko din sa kanila ang lahat.
Mabuti at naiintindihan naman nila ako. Sobrang alala nila sakin kaya ramdam ko ang concern nila. Maswerte din ako talaga sa kaibigan.
Pagkarating namin sa cottage ni Ranz. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng bigla nya ako hilahin para yakapin.
Pero nananatili akong estatwa habang yakap nya. Kahit may parte sakin na nag-uudyok na gantihan ng yakap pero mas nangingibabaw sakin na hayaan lang sya.
Ramdam kong ang bigat ng bawat paghinga nya. Di ko alam kung ano iniisip nito ngayon.
"Zans I'm really sorry! Nasasaktan ako ngayon dahil ramdam ko kung gaano kalungkot ang puso mo.";bulong nito habang yakap ako.
"Ayos lang ako. Pahinga na tayo...maaga pa bukas.";tangi kong sagot sa kanya.
Ayokong namnamin lahat ng sinasabi nya. Ayokong bigyan ng pansin.
Ayokong bigyan ng chance ang puso ko na mahulog ulit at umasa na balang araw maging masaya ako kasama sya.
_________________
Kinaumagahan...araw ng kasal.
Pagkatapos naming lahat maayusan dumiretso na kami sa church kung san gaganapin yung wedding ng mga kaibigan ko.
Kanya kanya na ang punta dahil halos lahat naman may kanya kanyang dalang sasakyan.
Kay Ranz ako sumabay pero naging tahimik ako hanggang sa makarating kami dun. Ramdam nya siguro na ayoko makipag-usap kaya mas pinili na din nitong manahimik habang daan.
Pagdating namin.
"Thanks!";sabi ko sa kanya sabay ibis ng sasakyan.
Madami na din tao na naghihintay. At napangiti ako ng makita ko si Xyrus kasama si Karen.
Lumapit ako sa kanila. Niyakap ko agad si Karen.
"Buti nakarating kayo.";masayang sabi ko sa kanila.
"Oo naman gurl. Tumawag ulit sila Vic kahapon to remind na ngayon ang kasal nila?!";nakangiti na sagot ni Karen.
"At tsaka gusto kang masilayan nitong pamangkin mo.";tumatawa din nyang turan sabay turo sa tiyan nito.
Napangiti ako lalo sa narinig.Hinaplos ko yung tiyan nya.
"Baby kapit ka dyan sa loob ni mommy mo ha. Kakargahin pa kita paglabas mo.";nakangiti kong sabi habang kinakausap yung tiyan nito.
"Opo tita.";sagot ni Xyrus sa sinabi ko na tinawanan namin ni Karen.
"I'm glad okay ka na gurl.";maya sabi ni Karen.
"Ano ka ba gurl ayos lang naman ako. Ganun lang talaga pag na mi-miss ko si baby..ume-emote ako.";nakangiting sagot ko.
Maya-maya pa'y tinawag na kaming lahat para maayos at magsisimula na dahil dumating na din ang bride.
"Gurl sige doon ka na..upo na kami sa loob. Smile para lalong gumanda.";sabi ni Karen.
"Sige gurl usap ulit tayo later.';saad ko sa kanya.
Pumunta na din ako sa pwesto ko. Heto na naman bridesmaid na naman ako.
Huminga ako ng malalim. Napalingon ako sa partner ko. Umiwas ako ng tingin dahil nakatingin pala ito.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomantikPaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)