Chapter 37

15.3K 196 2
                                        

Next day na ang wedding nila Vic at Nancy. Bukas na ang punta namin sa kanila.

Sa batangas ito gaganapin. Isang church wedding at sa private resort na pag-aari ng pamilya nila Vic ang reception.

Everyday kami nagkikita ni Ranz. Hindi makuntento sa pagsundo lang dahil hinahatid na din nya ako every morning pagpasok sa resto gaya ngayon.

Gusto ko ngang iwasan sya pero nagpupumilit. Makulit na ihatid at sunduin ako. Bahala sya.

Gusto ko nga sanang sabihin na dapat si Irene ang i-priority nya pero nauumid ang dila ko.

Ayoko naman mag-ungkat ng topic na mas masasaktan lang ako.

"Early in the morning tayo mag byahe pa batangas bukas.";paalala ni Ranz.

Tumango lang ako bilang sagot.

Hanggat maaari ayoko tumingin sa kanya. Kinokontrol ko ang isip ko.

Ayokong magkaroon ulit ng chance na mahulog dito. Kaya di ko tinatagalan ang pagtitig dito pag minsan nakatingin ako.

Mahirap na lalo na ngayong alam ko ng malapit na silang ikasal ng babaeng mahal nya.

Naiisip ko pa nga lang parang ang hirap na. Pero ito ang realidad na dapat harapin. Na hanggang dito lang kami. Matagal ko naman ng tanggap. Dati pa.

Maya-maya biglang nag ring ang phone nito. Yung mata ko nakatutok lang sa labas ng bintana.

"Hello.";narinig kong sagot nito.

"Oh ma. How are you?! Napatawag ka?!";sabi nito.

"Yes ma..I'll do my best para itama lahat. Miss you ma. Bye.";narinig kong wika nito.

Hindi na din ako nagtanong ni lumingon pagkatapos ng tawag na yun.

Kahit gusto ko sana kumustahin si Tita Anne. Gusto ko sanang alamin kung alam ba nya yung nangyari samin ng anak nya. Pero mas pinili ko pa din manahimik.

Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng resto tsaka ako lumingon sa kanya.

"Salamat sa paghatid.";sabi ko at dali-dali akong bumaba. May pahabol pa sana yata syang sasabihin pero hindi ko pinansin.

Inabala ko ang sarili ko buong araw dahil ayokong okupahin na naman ni Ranz ang isip ko. Lagi na lang kasi.

Kinabukasan.

Maaga ako nagising kasi usapan namin ni Ranz mga 7am kami aalis.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos dumiretso na ako ng kusina para mag breakfast.

Nagtitimpla ako ng gatas ng biglang may mag door bell. Tinignan ko yung time mga 6am palang.

"Good morning Zans!";nakangiting bati ng nasa harapan ko pagbukas ng pinto.

Aminin ko sobrang gwapong nilalang nito at ang bango naman talaga kahit kelan.

Pero mas nagulat ako ng mapansin kong halos pareho kami ng suot.

Dahil tamad ako pumporma dahil mag byahe lang naman. Simple lang ang gayak ko.

Naka white short lang ako at naka t-shirt ng plain blue. As in pareho kami ng kulay na suot. Di naman kami nag-usap na mag short at mag blue shirt.

Mukhang napansin din nito kung bakit ako natulala at sinipat ang hitsura nya. Pero hindi ito nag comment pero nangingiti.

"Ang aga mo naman. 7am pa tayo aalis di ba?!";tanong ko habang tinalikuran ko sya.

Sumunod lang ito at sinara yung pinto.

"Excited lang ako.";sagot lang nito. Dumiretso ako ng kusina, nakabuntot pa din sya. Umupo ito.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon