Chapter 15

15.3K 191 9
                                        

Pag-uwi ko wala akong nadatnan na Ranz. Ginala ko ang mata ko sa buong unit.

Ngumiti ako ng mapait. Wala man lang akong maalalang masaya mula ng mag stay ako dito. Ang bigat sa pakiramdam.

Umupo ako at napapikit. Parang di malinaw ang isip ko.

Dati pag may problema ako..kay Ranz ako nagsasabi ng saloobin ko pero ngayon kinikimkim ko na lang lahat.

Gusto kong sumigaw ng sumigaw baka sakali mawala lahat.

Pero kahit yun ang gusto ng utak ko..mas pinipili pa din ng puso ko ang manahimik na lang ngayon.

Hindi umuwi si Ranz kagabi. Di ko sya makita pagkagising ko.

Malungkot na umupo ako sa kama.

Tinititigan ko yung wedding ring namin na suot ko.

"Props ka lang pala at walang halaga!";parang sirang kausap ko yung singsing.

Sabagay yung nagsuot sayo nito walang pagpapahalaga sayo.;sagot naman ng utak ko.

Ayokong magmukmok kaya umahon na din ako sa kama para makapag-ayos na ng makapasok na sa boutique. Mahirap pero umpisahan ko ng maging matatag.

Pagdating ko sa boutique abala ang ilan sa mga sales staff ko. Medyo madami kaming costumer.

Buti na lang kahit fashionable ang mga andito sa shop abot kaya kahit ng masa kaya madaling bumenta.

Masaya ako kahit pano eh umuunlad ito. Tumulong din ako nag assist pagkalapag ko ng gamit ko sa office ko.

Lunch break habang nasa loob ako ng opisina ng tumunog yung phone ko. Pagtingin ko eh number na di naka-register sa phone ko.

"Hello?!";bungad ko.

"Hi Zandra!";masayang bati ng nasa kabilang linya.

"Who's this?!";kunot-noong tanong ko.

"Ang bilis mo namang makalimot.";sagot nya.

"Just tell me your name and what I can do for you...dahil busy ako!";medyo iritang sagot ko.

"Ang init ng planeta natin ah...mukhang may period ka!";natatawa lang na sagot nito.

"Ewan ko sayo!!! Goodbye!!";sagot ko at in-end ko na.

Nakaka-bad trip!

Kalalapag ko pa lang ng phone ko ng mag ring ulit. Inis na sinagot ko....

"Kung wala kang magawa sa buhay mo wag ako ang istorbohin mo!";inis na bungad ko bago pa man ito magsalita.

"Whoooah! Chilax my dear! Ako to si Harold.";natatawang sagot nya.

Naningkit yung mata ko akala mo nasa harap ko lang at di ko na sya matantya.

"At sino nagbigay ng number ko sayo?";tanong ko dahil hindi ko binigay sa kanya nun kahit anong pangungulit nya.

"Wag mo ng alamin.";sagot naman nito.

"Anyway andito ako ngayon sa manila may aasikasuhin ako dito for one month so madadalaw kita.";biglang sabi nito.

"Hindi ako pwedeng dalawin. I'm too busy!";sagot ko.

"Paano yan andito na ako sa loob ng boutique mo!";sagot nito.

Napatayo ako.

"Whaaaat?!!!!";tanong ko pero biglang nawala sya sa kabilang linya at sya naman katok ng pinto sa office ko.

Huminga muna ako ng malalim.

"Come in!";sagot ko.

Pagbukas ng pinto..si Claire.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon