Chapter 35

14.4K 195 2
                                    

Napatingin ako kay Ranz dahil sa sinabi ni Vic.

Napansin ko na huminga sya ng malalim bago magsalita.

Ranz: "I'm just really glad that finally you're here for good Zans. Sobrang na miss kita. I know and I can see na masaya ka na ngayon. Masaya ako kahit hindi man ako ang dahilan ng sayang nararamdaman ng puso mo.";makahulugang sabi nito.

"Ooopps! What was that bro?! Lalim nun ah. May pinaghuhugutan ka ba?!";natatawang react ni Bench.

"Wala...na miss ko lang yung bestfriend ko.";seryosong sagot ni Ranz pero yung mata nakatutok pa din sakin.

Samantalang ako parang lutang sa narinig at parang ayaw mag sink in sa utak ko yung narinig kong sinabi nito.

Dati ako yung nakakamiss sa kanya...ako yung nakaka-miss sa bestfriend ko kasi since naging mag-asawa kami bigla nalang naglaho yung dating sya.

Yung malambing na Ranz, yung andyan lagi para sakin. Naalala ko kung pano ako makiusap sa kanya nun.

Masakit balikan ang nakaraan. Alam ko sa puso ko naka move on na ako.

Minsan lang talaga kahit pano may kirot pa din akong nararamdaman pag maalala ko ang kahapon naging tanga ako.

Pero ano tong sinasabi nya ngayon?! Ayoko mag assume. Ayoko ng bigyan ng pansin..nadala na ako..ayoko ng magpaapekto.

Yung moment kanina na teary eyed lang ako biglang tuluyang kumawala. Mabilis ko itong pinahid dahil gusto kong makita nya na matatag ako.

Iniwas ko na yung tingin ko kay Ranz. Inisa-isa ko yung paningin ko sa barkada bago ako magsalita.

"Guys thank you for the friendship, concerned and love! You know guys how much I loved you all and how much I value the friendship we have. Each one of you has a special place in my heart. You're not just a friend but you're a family to me. Kayo ang pamilya ko and kayo ang isa sa mga kayamanan ko. Sobrang na miss ko kayo. Salamat dahil andyan kayo palagi.";teary eyed na sabi ko.

"Group hug guys!";sabi ni Vic.

"Bakit kayo umiiyak?!";tumatawa kong puna habang humihiwalay ng yakap sa kanila. Pano itong mga girls ume-emote din na kagaya ko.

"We're just happy na buo tayo. Tagal mo kasi nawala dito.";tumatawang sagot ni Nancy habang pinapahid yung luha nya.

"Tama na muna tayo sa drama...ikain muna natin yan.";nakangiting wika ko habang pinapahid ko din yung luha ko sa mata.

Habang kumakain busy pa din sa chikahan. Maya-maya may narinig akong tumawag sakin.

"Zandra...gurl?!"

Napalingon ako at bigla akong napatayo. Papalapit sakin sina Karen at Xyrus.

Sinugod ko sya ng yakap.

"I miss you gurl. Andaya mo ha di ka nagpapakita sakin.";sabi ko habang kumakalas ng yakap.

"Nagpapa-miss lang kami.";tumatawang sabi niya.

"Anong kami eh lagi kong nakikita tong asawa mo mula dumating ako.";sagot ko.

Pero napadako yung mata ko sa tiyan nito.

Biglang nanlaki ang mata ko ng mapansin kong medyo malaki na.

"Gurl don't tell me.. buntis ka na?!";di pa din ako makapaniwalang tanong ko sa kanya habang yung mata ko nakatutok pa din sa tiyan nitong halata na.

"Kaya nga ayokong sabihin agad sayo kasi inaalala ko ang magiging reaksyon mo.";sabi nito.

"Zandra baka balak mo din ipakilala samin yang mga bisita mo?!";pukaw sakin ni Sam.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon