Di ako naka-imik agad sa tanong ni Nancy. Ako man nagulat.
Di ko kasi expect na makikita ko sya ngayon. Nang makabawi ako sa pagkabigla. Lumapit ako sa kanya at mahigpit ko syang niyakap.
"Yeah it's me. How are you?!";tanong ko habang humihiwalay sa kanya sa pagkayakap.
"Wow! Grabe. Nag model ka ba?! Alam ko maganda ka na dati but look at you.";puri nito na sinipat pa ako from head to toe.
"Ang O.A mo makapuri ha.";natatawa kong sagot.
"Oo promise...Anyway musta na?! San ka ba nagsuot?! Natuliro kaming lahat sa biglang pagkawala mo.";tanong nito.
Sasagot na sana ako ng biglang sumulpot si Vic.
"Sweetheart what took you so long kanina pa kita inaantay.?! Wala pa akong napipili na gift.";sabi nito kay Nancy.
"Kaya pala may kausap ka dito.";sabi lang nito na sumulyap sakin at mukhang di ako nakilala.
Ngumiti si Nancy sa kanya.
"Ano ka ba sweetheart di ka pa ba marunong mamili kailangan talaga ako pa?!";tumatawang sabi nito.
"And bakit di mo man lang kumustahin tong kaibigan natin.";dagdag nito.
Kumunot yung noo nya na tumingin sakin. Iniisip yata kung kaibigan nya ba talaga ako.
Ngumiti ako sa kanya na medyo tinaasan ko ng kilay. O.A din ng isang to noh.
Di naman nagbago yung hitsura ko. Nagliwanag yung mukha nya. Sa wakas mukhang nakilala na din ako.
"Zandra?!";patanong na sabi nito at tinignan ako gaya ng ginawang pagsipat ni Nancy.
Napa rolled eyes ako.
"Ang O.A nyo maka react.";natatawa kong sabi.
"Hindi nga! Hanep ang porma natin a. May asawa ka na ba at ganyan ka na kaganda?!";ngumingising sabi nito.
Bigla syang yumakap.
"Musta na?!";tanong nito habang humiwalay sakin.
"I'm good.";maikli kong sagot.
"Anyway kayo kumusta?! Na miss ko ang barkada!";nakangiting sabi ko sa kanila.
"We're all fine and kaya kami nandito dahil bibili pa pala ng gift. Lika ikot-ikot muna tayo para may mabili habang di pa nagsasara tong shop.";tumatawang suhestiyon nya.
"Gift para kanino sabi ko habang pati ako nakikitingin din sa mga baby stuff. Para kay baby Karl. Baby nila Len and Sam.";sagot ni Vic.
"Oh really?! Birthday?!";nakangiti kong tanong.
"Yeah 1st birthday.";sagot ni Nancy.
"And I'm sure matutuwa ang buong barkada pag dadalo ka.";nakangiting dagdag nito.
Dun ako medyo hindi nakaimik. Alam ko na mi-miss ko sila pero kaya ko na bang harapin si Ranz dahil sigurado akong dadalo yun.
Sa wakas nakapili din ng gift. Pati ako napabili dahil mapilit tong mga to na dadalo ako.
Nag-aya pa silang mag late dinner. Di na din ako makatanggi sa pag-aya nila tutal di pa din naman ako nakakain.
Dami nilang kwento. Nalaman ko na dito na din sa manila nakatira sina Len at Sam dahil na din sa business nila.
At sila kararating lang daw nila kanina dito sa manila para makapagpahinga muna bago yung pagdalo sa birthday.
"How about Candy and Bench musta na mga yun?!";tanong ko.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...