"Zans".;sambit nito sa pangalan ko habang yakap ako.
Para akong tuod na di makakilos. Bakit parang musika sa pandinig ko ang pagbigkas nito sa pangalan ko.
Gusto ko syang itulak pero parang wala akong lakas.
"Hmmmn?!";tangi kong sagot habang nakapikit pa rin.
" I'm always here for you no matter what and I hope you know and you feel that.";sabi nito.
Parang kay bigat ng dibdib ko. Dapat masaya ako na marinig ang sinasabi nito pero bakit sobrang panghihinayang yung nararamdaman ko sa mga oras na ito?!
Dahil ba dati ito yung pangarap ko. Yung andyan sya palagi at hindi magbabago kahit nang maging mag-asawa na kami.
Siguro kung noon ko marinig ito ibang level siguro ang saya ng puso ko.
Andami kong gustong itanong, ang dami kong gustong malaman pero wala akong lakas ng loob para ipaabot sa kanya.
Dahil ba natatakot ako sa kadahilanang alam ko naman na ang sagot. May parte pa din sa pagkatao ko na kahit paano umaasa na "sana".
Pero mas mabuti ng patayin na din yung isipin na "umasa" dahil wala naman mabuting kahihinatnan nito.
"Zans".;muli nyang tawag sakin dahil nanatili akong walang imik.
May sinisigaw yung puso ko na gantihan sya ng yakap pero mas malakas ang utos ng isip ko na hayaan lang sya.
Maybe na realized nya lang na sayang din yung friendship namin kaya ganito sya umasta ngayon.
Ito din yung biglang na-realized ko, na nakaka-miss din sya kahit yung bilang kaibigan lang.
Nakakapang-hinayang din naman kasi talaga yung pinagsamahan namin bilang magkaibigan.;saisip ko.
" Yeah I know ".;ikli kong sagot sa kanya.
"Tulog na tayo. Good night Zans.";sabi nito pero nanatiling nakayakap.
"Good night."; sagot ko nalang din. Wala yata balak umalis sa tabi ko kaya natulog na din ako dahil kahit paano pagod ako sa buong araw.
Pilit ko nalang winaksi sa isipan na magkatabi kami ngayon.
Harmless naman to kaya feel kong safe naman ako. Kailangan ko lang ikadena yung puso ko baka biglang tumalon papunta sa puso ng katabi ko. Mahirap na. Ayoko ng maulit pa ang nakaraan.
Kinaumagahan pagdilat ng mga mata ko. Yung napaka-amo nyang mukha ang unang nasilayan ko.
Halos magkadikit na yung mga labi namin sa sobrang lapit dahil sa pagkakayakap nito. Nilayo ko ng konti yung mukha ko para mas masilayan ko syang mabuti.
Pinagsawa ko yung mga mata ko sa pagtitig sa mukha nya dahil paggising nito di ko na magawa dahil ayokong mahulog sa kanya lalo na pag sinasalubong nya ang mga tingin ko.
Nakaka-inlove kaya kahit sa simpleng pagtitig nya.
"I really miss you Ranz. Kung mabuo man sana ulit yung friendship natin...sana this time manatili ka na. Walang iwanan kahit hanggang kaibigan nalang ang meron tayo.";saisip ko habang nakatitig pa din ako sa mukha nya.
Huminga ako ng malalim bago ako dahan-dahan na humiwalay sa pagkakayakap nya.
Pumasok ako ng banyo para makaligo na.
Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Bakit ganito pa din yung puso ko ang hirap i-kontrol ang pagtibok nito.
Di pa sya gising paglabas ko ng banyo. Nag-iwan nalang ako ng maikling note.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)