Chapter 3

15.9K 240 1
                                        

Wala na si Ranz pero tulala pa din ako. Huminga ako ng napakalalim.

Ngayon pa lang tuturuan ko na talaga ang puso ko na kalimutan ang nararamdaman ko.

Ngayon pa na mukhang seryoso na sya sa babaeng yun.

Hays! Ang hirap naman ng ganito. Bakit ko kasi hinayaan ang sarili ko na mahulog ng ganito.;saisip ko.

Eh di mo naman alam na di ka pala nya kayang masalo.;sigaw naman ng kabilang panig ng isip ko.

Umuusad ang araw pero ni wala pa akong desisyon kung ano business ang gusto ko. Gusto ko kasi yung tatlong choices ko.

Hanggang isang araw napagpasyahan ko na boutique na lang tutal katulad ko madami yung mahilig sa damit at sa fashion.

Si Ranz naman di pa nag umpisa mag trabaho dahil antayin muna daw nya ang Mama nya para formal na ipakilala sa lahat ng board sa kumpanya nila. Sa ngayon yung Tito nya ang namamahala sa kumpanya.

Hinihintay lang talaga nila na makatapos si Ranz bago ipahawak ang kumpanya nila dahil gusto na din mag retiro ang tito nya.

Kasalukuyan akong nag-aayos naglilinis ng bahay ko dahil wala naman magawa dahil next week pa ako maging busy dahil may nakuha na akong place para sa boutique ko.

Ang saya ng pakiramdam kasi mauumpisahan ko na.

Biglang may nag door bell.

I'm sure si Ranz na naman ito.;saisip ko.

Hanggat maari nga ayaw ko muna sana sya makita dahil wala ng bukam-bibig kundi yung Irene na yun.

Ka ka-hurt kaya. Nagpapanggap lang akong masaya sa harap nya.

Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga bago ko binuksan yun pinto.

"Hi bez!";bungad nya agad pagbukas ko at yung ngiti hanggang tenga.

Saglit naman ako napatulala.

Nakasuot lang sya ngayon ng vans shoes,maong pants na tinernuhan nya ng polo shirt na bakat sa katawan nya.

Simple pero ang lakas ng dating nya. At sobrang bango naman talaga. Ang swerte naman ng babaeng makukulong sa yakap nito.

Paniguradong parang nanalo sa lotto.

Nakakunot na yung noo nya habang titig sakin.

"Zans may dumi ba ako sa mukha kung makatitig ka?!";biglang tanong nya sakin.

"Hah-eh w-wla naman!";nabubulol na sagot ko.

"Bakit ang aga-aga nandito ka na naman?!";tanong ko at tinalikuran ko na sya habang kinuha ko ulit yung panlinis ko at tinuloy yung ginagawa ko.

Nakasunod sya sakin sa sala. Umupo sya sa sofa habang pinapanood ang ginagawa ko.

"Bez may date ulit kami ni Irene ngayon. At pakiramdam ko ito na yun inaantay ko. Kasi sabi nya malalaman ko ngayon kung sasagutin nya na ba ako o hindi.";kwento nito.

"Ambilis naman! Eh kelan ka lang nanligaw?! Sasagutin ka na agad?!";baling na tanong ko.

"Zans di naman importante kung mabilis man nya ako sagutin kung sakali. Mas ok nga yun para di na ako mahirapan.";masayang sagot nito.

"Isang good luck naman dyan bez.";malapad ang ngiting saad nya.

Ngiting pilit ang ginawa ko saka binati.

"G-good luck!";labas sa ilong na sabi ko.

Sana ako na lang ang mahalin mo!;piping hiling ng puso ko.

"Sige bez puntahan ko na muna si Irene.";paalam na nito.

Tumayo na ito kaya naman hinatid ko na palabas sa pinto.

Biglang lingon sya sakin at hinawakan ang kamay ko.

Tumigil ako dahil nagulat sa ginawa nya.

Akala mo may kuryenteng dumaloy sa katauhan ko sa simpleng paghawak nya.

Pasimple kong hinila yung kamay ko dahil di ko matagalan.

Kahit gustong gusto kong mahawakan sya.

Ngayon ko talaga na realized na lumalim yung nararamdaman ko.

"Wag ka naman malungkot kasi kahit magka girlfriend o kahit mag-asawa pa ako wala naman magbabago....ikaw pa din yung bestfriend ko..una ka pa din na nakapila sa puso ko.";sinserong pahayag nito.

Tinitigan ko sya sa mata.

Pinipigilan ko lang maiyak. Ganun na ba ka obvious sa hitsura ko na di ako masaya.

"Uhm..ano ka ba happy naman ako for you.";sabi ko.

"Basta ba walang magbabago.";pilit ko pinasigla yung boses ko.

Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Oo naman Zans.";sambit nya.

"Puntahan kita mamaya after.";pahabol nya sakin habang naglalakad papuntang lift.

Tinanguan ko na lang sya bilang sagot.

Pagsara ko ng pinto biglang tumulo na
lang ang luha ko..luhang kanina ko pa pinipigilan.

Sabi nila masarap umibig pero bakit ang sakit sakit?!

Masakit kasi nga one sided love!;sagot ko din sa sarili kong tanong.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng buong unit ko.

Gusto ko mapagod dahil ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano. Napangiti ako ng matapos ko maayos dahil na satisfied ako.

Buti na lang kahit may kaya kami sa buhay di ako hinayaan ng parents ko na maging senyorita.

Ni hindi ko naramdaman ang gutom ko. Paano ako makakain kung puro si Ranz ang iniisip ko kasama yun babaeng mahal nya.

Ngayon ko ramdam ang pagod at gutom kaya pumunta na ako ng kusina para makakain na.

Buti nakapagluto na ako. Wala lang akong gana kumain talaga kanina. Pero ngayon mauubos ko yata lahat ito.

Pagkatapos kumain nagshower muna ako. Gabi na pero till now di pa naman pumupunta si Ranz para ibalita kung sinagot na sya.

Dito ako ngayon sa sala inaantay sya dahil sinabi nyang pupuntahan ako pagkatapos ng date nila.

Nakakabagot ang mga palabas sa tv at wala naman dun yung isip ko.

Asan na kaya yun?! tumingin ako sa wall clock...alas onse na pero wala pang paramdam.

Baka nga sinagot na kaya di na ako naalala. Hanggang sa napagpasyahan ko na lang na matulog.

Bakit nga naman ako mag-aaksaya ng panahon na antayin sya kung masaya na sya sa iba.

Baka nga hanggang sa mga oras na ito magkasama pa ang mga yun.

Mariin kong pinikit yun mata ko, pilit kong kinakalma ang puso ko dahil kanina pa parang gustong sumabog sa mga pinag-iisip ko.

Pagdating ko ng kwarto, pabagsak akong humiga. Ni hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Bakit kasi di man lang nya naisipan na pwede din nya akong mahalin. Ganun ba ako kahirap mahalin?

Ni atraksyon wala din bang naramdaman? Pumikit ako ng mariin para sa isiping yun. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iyak.

********
hi guys!
Senxa na po sa spelling error. Salamat sa pagbasa kahit walang kwenta :)

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon