Mabilis lumipas ang araw. Ganun pa din sya sakin...sweet pa din at maalaga.
I really feel how special I am to him.
Di na namin pinag-uusapan ni Ranz ang tungkol sa deal namin.
Nagkalinawan na kami na ibibigay nya ang gusto ko after this week.
Bukas na matatapos ang araw ko dito sa bahay nya.
Bakit parang may lungkot akong nadarama?! Di ba ito naman ang gusto ko?!
Abala ako sa pagluluto ng dinner nang biglang mag ring ang phone ko na nakalapag sa table.
Si Ranz nasa taas nagsa-shower pa.
"Hello.";sagot ko ng di tinitignan kung sino ang caller.
"Hi friend how are you?!";bungad na sagot ng nasa kabilang linya.
"Oh hi sis. I'm good.";sagot ko kay Len dahil sa nabosesan ko ito.
"I just want to checked you out kasi wala kang paramdam.";tumatawang sagot nito.
"Busy lang ako..bawi ako this coming weekend, punta kayong lahat sa condo ko.";nakangiting sagot ko sa kanya.
"Sinabi mo yan ha. Expect us, we'll be there.";tumatawang sagot nito.
"Yeah na mi-miss ko naman kayong lahat eh.";nakangiti kong sagot sa kanya.
Parang napansin ko halos itong araw na to walang imik si Ranz gayumpaman sweet pa din sya sakin, parang kay lalim ng iniisip.
Ayoko naman magtanong kung anong gumugulo sa isipan nito.
After ko maghanda ng pagkain ng tawagin ko sya para makakain.
"Ang sarap hon. Isa ito yung ma-mi-miss ko pag umalis kana.";narinig kong sabi nito habang kumakain.
Nag-angat ako ng tingin at nakatingin pala ito sakin, parang ang lungkot ng mga mata nya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Para naman akong mawawala eh magkapit-bahay pa din naman tayo sa condo.";nakangiti kong tugon.
Alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin pero ayoko ng mag-isip ng negative.
Gusto ko maging maayos ang paghihiwalay namin bilang mag-asawa.
Gusto ko mag-umpisa kami ulit kaya kailangan namin ng kalayaan para maisakatuparan ito.
After dinner pumunta ako sa sala para umupo, sumunod sya at tumabi sakin.
"Can I ask a favor Zans?!";sabi nito.
"What favor?!";baling na tanong ko sa kanya.
Hinawakan nito ang kamay ko.
"Can I take you out tomorrow?!";tanong nito.
"For the last time?! I'll give your freedom afterwards.";dagdag nito.
Parang may kung anong dumagan sakin pagkarinig sa sinabi nito.
Ang sakit marinig pala yung huling sinabi nito. Parang kay hirap pero ito yung gusto ko di ba?!
Tumango lang ako bilang sagot at di na ako nahiyang yakapin sya.
"Sana sa bawat pagyakap ko sayo maramdaman mo ang tunay na nilalaman ng puso ko na di ko na maamin sayo.";sigaw ng isip ko.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)