Hindi ako sumama nag-swimming kaya mas gusto ko maglakad-lakad. Umalis ako ng malingat si Ranz.
Hanggat maaari ayoko masyadong malapit sa kanya. Parang pakiramdam ko di ako makahinga.
Tapos nang na decorate ang pagdarausan ng reception.
Napatigil ako at tinignan ko ang kabuuan.
Ang ganda!;saisip ko. Masaya talaga ako para sa mga kaibigan ko.
Dumiretso ako ng cottage. Nagbihis ako at gusto ko lumangoy maya sa dagat pag palubog na ang araw.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang napakagandang garden.
Umupo ako sa may swing at nakatingin lang sa malayo. Nakakita ako ng isang masayang pamilya. Napapikit ako.
"Baby na mi-miss pa din kita! Sorry ha kasi pabaya si mommy kaya nawala ka.";saisip ko.
Hanggang ngayon di ko pa din maiwasan na sisihin ang sarili ko. Ang hirap pa din tanggapin. Sya na nga lang sana ang meron ako pero nawala pa.
Di ko namamalayan na pumatak ang luha ko. Hanggang ngayon nangungulila pa din ako.
Matagal akong nakaupo at ni ayaw kong kumilos. Nang mapansin kong lumulubog na ang araw saka ako nagpasyang tumayo.
Lumusong ako sa dagat. Lumangoy ako ng lumangoy. Maya-maya narinig kong may sumigaw sa pangalan ko.
Napalingon ako...si Len ang tumawag. Kasama ang buong barkada. Kumaway lang ako at lumangoy ulit.
Nang umahon ako. Malapit na sila sakin.
"Andaya mo Zandra ha. Bakit di ka nag-aaya na mag swimming?!";tanong ni Len.
"Akala ko busy kayo eh na miss ko mag swimming.";sagot ko lang saka lumangoy palayo.
Nandun din si Ranz eh. Ayoko ng malapit lang sa kanya kaya hanggat kaya kong umiwas iiwas ako.
Nagtagal pa ako ng kalahating oras bago ako nagpasyang umahon.
"Guys una na ako.";sigaw ko sa kanila sabay kaway.
"Zandra kitakits tayo maya mga 8pm sa place natin kaninang lunch para sa dinner.";sigaw ni Nancy.
Tumango lang ako bilang sagot.
Dumiretso ako ng cottage para maligo. Inabot ako ng mahigit isang oras. In-enjoy ko ang tubig.
Palabas na ako ng banyo at papunta sa kwarto ko ng biglang dumating si Ranz.
Nagulat pa kami pareho. Para akong napako di ako makakilos. Hindi gumagana ang utak ko.
Di nakaligtas sa paningin ko ang paghagod na tingin nito.
Shucksssss!!!nakatapis lang pala ako dahil nakalimutan ko magdala ng bihisan. Bigla akong natauhan at dali-daling pumasok sa kwarto ko.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok...akala mo anytime sasabog.
Nagsuot lang ako ng short at simpleng t-shirt. Pagkatapos magbihis at mag-ayos lumabas na din ako.
Nagulat pa ako ng mabungaran ko si Ranz. Bihis na din ito. Napatingin sya sakin.
"Tara Zans 8 na kanina pa nag-aantay mga yun.";aya na nito. Di ako umimik. Dumiretso lang ako ng lakad patungo dun kaya samabay to sakin.
Kahit may parte ng puso ko na nagsasabing sulyapan ko sya. Mas nanaig pa din ang isip ko na wag pag-aksayahan na lingunin man sya.
"Oh kayo na lang hinihintay!";bungad na sabi ni Sam.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)