Ewan ko kung bakit madilim ang mukha nya habang titig sa amin. Nagtama ang mata namin pero hindi ko mabasa kung anong ibig sabihin nun. Naiilang tuloy ako.
"Zandra please pansinin mo naman ako.";narinig kong sabi ng kasayaw ko.
Kaya nabaling ulit sa kanya yung atensyon ko.
Tumingin ako sa kanya pero hindi ako umimik.
"Don't look at me like that. Mas naiinlove ako.";nakangising puna nito.
May ganito pa palang lalaki sa mundo masyadong presko.;saisip ko.
Irap lang ang tanging sagot ko.
"Mas gumaganda ka lalo pag tumatagal sa paningin ko. Iuwi na kaya kita.";bulalas nito.
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Grabe naman to ano akala sakin kaladkarin at iuuwi na agad!
Tinignan ko sya ng masama.
I'm just kidding.";tumatawang saad nito ng makita ang mukha ko.
"Pero pag gusto mo mas pabor sakin.";dagdag nito.
Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi nila Candy kanina.
"We can be friends but not more than that!";sagot ko.
Bakit nga ba di ko bigyan ng chance yung sarili kong makipag-kaibigan sa iba.
Ngumiti sya ng napakatamis.
"Friends for now but maybe lovers later!";sabi nito habang titig na titig sakin.
Yung pakiramdam na para kang matutunaw na.
Magsasalita na sana ako ng biglang natapos na pala yung music. Inalalayan at hinatid nya ako papunta sa table.
Atleast naman pala may pagka-gentleman.;saisip ko.
Nanunudyo ang mga mata ng mga kaibigan ko pagkalapit namin.
"Ayoko ng ganyang tingin.";sabi ko pag-upo.
Akala mo parang teenager na kinikilig sina Nancy at Candy.
"Join ka muna dito samin!";anyaya ni Bench kay Harold.
Akala ko aalis na tong si Harold pero humila ng isang upuan at isiningit para tumabi sakin. Aba't masunurin!
"By the way I'm Bench..this is my girlfriend Candy..that's Vic and Nancy..turo nito..Ranz, Zandra's bestfriend and Irene..Ranz fianceé.";pagpapakilala nito.
"Harold! Sam's cousin.";pakilala nito sa sarili at kinamayan silang lahat.
Napatingin ako kay Ranz..parang may sarili silang mundo na naman ni Irene.
"Kaibigan pala kayo ng ikinasal.";pag-uumpisa nito ng kwento.
"Mabuti pala at um-attend ako. May makikilala pala akong magandang dilag dito.";nakangiting sabi nito na talagang tinignan pa ako na sinasabing ako yung tinutukoy nya.
"Ehem!!!kung may plano kang lumigaw bro kailangan mo muna dumaan sa bestfriend nya.";nakangiting sabi ni Bench.
"Oo lahat ng manliligaw nyan di pumasa dahil di aprubado kay Ranz.";natatawang saad ni candy.
"Di naman sa ganun guys! Gusto ko lang sa tamang lalaki sya mapunta at di sya sasaktan.";biglang sagot nito sa narinig.
Tumingin ako sa kanya. Ang seryoso. Akala mo totoo. Eh sya nga tong mapanakit ng damdamin.
"But now..ayokong ng makialam kung sino ang gugugstuhin nya.";dagdag nito.
"Wala naman akong balak saktan sya. Dahil unang kita ko pa lang sa kanya tinamaan na ako.";seryosong hayag din Harold.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)