Chapter 53

13.2K 174 0
                                        

Ranz

Kapapasok ko ng banyo at di ko maiwasang masaktan dahil sa narinig kong kausap ni Zandra si Brad.

Iba yung nararamdaman ko kanina habang kausap nya ito.
Di lang ako nagpahalata na nakikinig pero nasasaktan ako habang kausap nya ito.

Ang sakit pala lalo na't alam kong nililigawan sya nito.

Sa hitsura ni Brad alam ko madali sa isang babae mahulog sa kanya.

Isipin ko pang dati namang naging sila ni Zandra.

Gaya ng narinig ko magkikita sila bukas. Marinig nga lang na magkausap sila masakit na yung malaman pa na magkikita sila.

Ngayon umaasa nalang ako na sana sa loob ng isang linggo maramdaman nya na totoong mahal ko sya at sana mas gugustuhin nyang tuluyan na kaming magsasama bilang mag-asawa kesa sa hinihingi nya.

Gusto kong panghinaan ng loob dahil alam kong napakahirap na sa kanyang paniwalaan ako pero gusto kong lumaban.

Pagkatapos ko mag shower lumabas na ako. Nadatnan kong payapa ng natutulog ang asawa ko.

Napangiti ako ng mapait sa isipin na yun.

Asawa ko pero di ko binigyan ng halaga kaya ngayon ako ang nasasaktan at nahihirapan.

Tumabi ako sa kanya at kinabig ko sya payakap sakin.

Hanggat maaari gusto ko syang yakapin na parang ayoko na syang mawala sa tabi ko.

"Sana hon noon ko pa na-realized na mahal kita...noong mga panahon na mahal mo ako. Gusto kong mahalin mo ulit ako ngayon dahil sobrang mahal na mahal kita. Umaasa ako na sana isang araw maramdaman mo pa din na mahal mo ako...na ako pa din ang gusto mong makasama sa buhay mo. Ako Zans di ko na kayang mawalay ka sakin.";bulong ko sa kanya habang mahigpit ko pa din syang yakap.

Maaga akong bumangon para makapag-prepare ng breakfast namin.

Katatapos ko mag prepare ng table ng bumungad ito.

"Good morning hon!";bati ko habang lumalapit ako dito.

Binigyan ko sya ng isang smack kiss. Masaya ako pag hinahalikan ko sya gaya nito.

"Good morning din.";nakangiting bati nito.

"Let's eat.";aya ko dito at pinaupo ko sya.

"May lakad ka?!";tanong ko dito habang kumakain dahil napansin kong bihis na ito.

"Oo eh. Gusto kong may gawin, hope you don't mind. Dalaw ako sa boutique since ang tagal ko ng di nakapunta and then magkikita kami later ni Brad. Hindi ako dito mag-di-diner.";kaswal na sagot nito.

Nasaktan ako sa huling narinig pero di ko nalang pinahalata.

"Samahan kita okay lang ba?!";tanong ko dito na nag-paangat ng tingin nya at sinalubong ang mga titig ko.

"Okay lang sayo?! Baka ma bored ka doon.";tanong nito.

"Okay lang hon. I want being with my wife.";sagot ko na sinamahan ng ngiti.

"Sa botique lang ha pero siguro no need na pag magkita kami ni Brad.";sagot nito.

"Sure hon.";sagot ko na kahit yung puso ko nag pro-protesta dahil makikipagkita ito sa manliligaw nya.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon