1 week na din ako dito sa Paris.
Sobrang nakakapanibago lahat. Nakatira ako sa isang maliit na apartment.
Ito na ang bagong mundo ko. Wala akong sinayang na oras mula pagdating ko.
Gusto ko maghanap ng trabaho upang sa ganun abala ang isip at katawan ko para hindi ko maisip ang pinas.
Sa isang fast food chain ako natanggap. Ayos lang sakin basta makapag-banat ng buto. Wala akong pipiliing trabaho.
Break time namin kaya inaya ako ni Karen isa sa mga kasama ko sa trabaho kumain sa park. Pinay din na nakipagsapalaran dito. Mabait sya at masaya kasama kaya nakagaanan ko ng loob.
"Uyyyy!";tulala ka na naman gurl!;puna nito.
"Ayos lang ako...may naalala lang.";sagot ko at pilit akong ngumiti.
"Asus!! kung yung lalaking yun din lang wag mo ng pag-aksayahan. Papagurin mo lang yang isip mo eh wala naman kwenta yun.";komento nya.
Alam ni Karen kung bakit ako napadpad dito. Kumbaga sa kanya ko nahanap ang isang kaibigan na pwede kong hingahan ng dalahin ko.
Kahit nito lang kami nagkakilala at naging magkaibigan..alam kong totoo syang tao.
Kahit pano naibsan ng konti ang bigat sa dibdib ko ng mailabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Pinipilit ko na ngang kalimutan gurl!";salag ko.
"Kain na nga tayo masarap to niluto ko.";sabi ko sa kanya.
Nagluluto kasi ako ng baon ko at dinadagdagan ko na para sa kanya. Napangiti sya sa sinabi ko.
"Tama yan gurl kalimutan mo na sya! Madami pang boylet dyan. Nagkalat lang sila kaya makakabingwit ka pa.";tumatawang sagot nito.
"Anyway....thanks dito gurl.";sabi nito sabay subo.
Pork adobo kasi favorite nya kaya yun ang niluto ko.
"Ang sarap naman talaga nito.";puri nito.
"Na miss ko ang adobo. Sa uulitin gurl ha.";sabi pa nito habang kumakain.
"No probs gurl. Kahit araw-arawin ko magluto nyan para sayo.";sabi ko na mas lalong nagpangiti sa kanya.
Masayang kwentuhan lang ng break time saka balik trabaho ulit.
Pareho kami ng shift kaya after ng trabaho sabay kaming lumabas.
Nag-aantay sa labas ang boyfriend nito na pinoy din.
"Hi sweetheart!";bati nito kay Karen.
Sinalubong nya ito ng yakap at halik. Kahit pano nakadama ako ng inggit.
Sa ilang beses na nakita ko na sinusundo sya nito di ko pa din naiiwasan yung ganitong pakiramdam.
"Hi Zandra!";bumaling sya sakin.
"Hi!";maikling tugon ko.
"Oh pano una na ako sa inyo.;paalam ko sa kanila. Ayaw mo ba talaga sumama gurl?!";tanong ni karen.
"Kaya nga sama ka na.";segunda naman ni Xyrus.
Kanina pa ako inaaya ni Karen kasi one year anniversary nila.
"No thanks guys! Ano ba kayo...moment nyo dapat na dalawa at walang asungot na kasama.";tumatawa kong sagot.
"Happy anniversary sa inyo and enjoy nyo na kayo lang na dalawa. Sige na.";taboy ko sa kanila.
"Okay!basta walang emote emote ha?!paninigurado ni Karen. Ano ka ba okay na ako noh! 'to talaga.";sagot ko.
Nagpaalam na nga sila sakin kaya ako naglakad na din pauwi.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...