Paggising ko kinaumagahan.
Mukhang napasarap na naman ang tulog ko. Mga 9am na pala. Ginala ko yung mata ko. Wala si Ranz.
Nahagip ng mga mata ko yung mga paper bag na nasa couch. Hula ko mga damit ang laman.
Nasaan naman kaya yun?!;saisip ko. Tumayo na din ako at tinignan ang laman ng mga yun para makaligo na.
Habang nasa loob ng banyo. Di ko pa din maiwasan tanungin ang sarili ko kung bakit pumayag ako sa pakiusap ni Ranz.
Ngayon mas kinakabahan ako dahil sa nararamdaman ko. Napapikit ako ng mariin habang nakatapat sa shower.
"Lord God...please wag mo akong hayaan mahulog ulit sa kanya kung hindi nya ako sasaluhin.";usal ko.
Pinaalalahanan ko na naman ang sarili ko na hindi ko hahayaan na mahulog sa kanya ulit.
Kung dati nakaya ko baka this time mababaliw na ako. Kaya ngayon palang alam ko na dapat ilugar kung san man ang sarili ko.
Naka suot ako ngayon ng short at medyo loose shirt. Mabuti kabisado nya ang sukat ko dahil sakto naman sakin...pati underwear. Namula ako sa isipin na yun na sya ang bumili nito.
Pagkatapos ko mag-ayos sa sarili at palabas na ng banyo. Nagulat pa ako ng pagbukas ko eh mabungaran ko sya sa harap ng pinto.
"Good morning Zans!";nakangiting bati nito.
Pero di naman ako ganun nagpahalata na nagulat ako sa presensya nya.
"Morning!";ikling tugon ko at nilagpasan ko na sya. Ayoko ngang pahalata na naga-gwapuhan ako sa kanya.
"Kain na!";alok nito habang nakasunod sakin.
May maliit na table for two din pala dito sa loob at nandun nga nakalapag ang pagkain. Para akong nagutom kaya dumiretso na ako ng upo.
Habang kumakain napansin kong minamasdan lang nya ako kaya parang naasiwa ako.
Napansin yata nya na di ako komportable sa pagtitig nya kaya nag-iwas at kumain na din ito.
"Zans what do you want to do today?!";maya tanong nito.
Tumingin ako sa kanya.
Ano naman kaya ang gagawin eh di ko nga alam kung nasaan kami.;saisip ko.
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot.
"Sige kain muna tayo. Maya ka na mag decide.";nakangiting sabi nito.
Parang hindi ako sanay. Hindi ako komportable sa pinapakita nya.
Oo alam ko ganito sya sakin nung magkaibigan palang kami. Pero since mag-asawa na nawala lahat yung Ranz na kakilala ko.
Pero bakit ganito sya ngayon?! Ginugulo lang nya ang isip ko lalo na yung puso kong nananahimik na.;saisip ko.
Pero part of me...natutuwa din kasi ito yung na miss ko sa kanya nung mag-asawa kami..yung dating sya. Nakatitig ako sa kanya ngayon habang kumakain ito.
Nakakamiss ka pa rin Ranz! Miss ko yung ganito ka sakin..yung pakiramdam na espesyal ako kahit alam ko na kaibigan lang naman ako para sayo.;napangiti ako sa isipin na yun.
"Maybe we're destined to be as bestfriends...and we'll just remain as it is. Wag ipilit ang mga bagay na talagang hindi pwede. At wag umasa sa mga bagay na imposible naman talaga."
Siguro ito din yung isang way para masabi ko na naka move on na ako..ang tanggapin ulit siya bilang kaibigan ko.
Pero siguro this time mas alam ko ng protektahan ang puso ko para maiwasan ng umasa at masaktan.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...