Chapter 12

14.3K 223 3
                                        

Nagulat man ako sa pagsulpot ng lalaki na to pero nagawa ko pa din suklian ng ngiti.

"Hi!";ganting bati ko.

"By the way I'm Harold and you are?!";pakilala at tanong nito sabay ng paglahad ng palad nya para makipag-kamay.

"Zandra!";sagot ko sabay ng pagtanggap sa kamay nya.

"Are you alone?!";tanong nito habang binibitawan yung kamay ko.

"Nope..I'm with my friends.";sabay turo ko kina Nancy. Nag swimming ulit ako palayo.

Umahon ako at umupo habang kinukuyakoy yung paa ko sa tubig.

Ginala ko yung mata ko at nakita kong sobrang sweet nila Ranz at Irene.

Dapat ako ang nasa lugar ng babaeng yan.

Paano mo nasisikmura Ranz na saktan ako ng ganito?!piping sigaw ng puso ko.

Naramdaman kong may tumabi sakin. Naiilang ako dahil sa pag sunod ng lalaking to.

"Pwedeng mag apply?!";biglang tanong nito.

Kunot-noong bumaling ako sa kanya.

"Haaa?! What?!";tanong ko.

"Can I court you?!";sabi nito.

My gosh! Agad agad?! Grabe namang lalaki to wala pa nga kaming isang oras na magkakilala. Ang presko hah!

"Sorry...it's a big NO!!";matabang na sagot ko sabay ahon at nagmamadali akong umakyat.

Di na ako nag abalang magpaalam kina Nancy.

Tutal di naman maganda yung view na nakikita ko sa pool. Kaya mas mabuti pang umalis na lang.

Gwapo man yung lalaking yun at hunk pero di ko feel.

Pagdating ko ng kwarto nag shower lang ako at nakahanda ng matulog ng dumating si Nancy.

"Zandra are you okay?!";biglang tanong nya.

"Yeah...why?!";tanong ko habang humiga na at pumikit.

"Bigla kang nawala sa pool kasi.";sagot nito.

"I'm just tired at maaga pa bukas remember. Kaya beauty rest na.";pilit ang ngiting paliwanag ko.

"Sige una kana mag shower lang ako.";sagot nito.

"Okay good night.";paalam nito bago pumasok ng banyo.

Kinaumagahan.... Araw ng kasal!

Katatapos lang kaming ayusan. Ang galing naman ng beautician nila at pinalutang pa lalo ang ganda naming mga bridesmaids.

Pero di pakakabog ang bride. Ang ganda ng kaibigan ko. Halata sa aura nya ang masaya at sobrang inlove.

Tinipon na kami ng coordinator ng kasal.

Isa-isa na kaming tinatawag para maayos na ang sunod-sunod na magmamartsa.

Maya-maya narinig kong tinawag nya ang pangalan ko.

"Where is Zandra?!";tanong nito.

Lumapit ako sa kanya. Ngumiti sya at sinabing sunod ako kay Nancy.

Tumango lang ako at ngumiti.

Sumunod nyang tinawag ang ka-partner ko.

"Ranz dito ka sa tabi ni Zandra..kayo ang partner.";sabi nito na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Ang gwapo naman talaga nya sa paningin ko! Kaya yung puso ko di ko mapigilan sa pagsirko.

Di ko alam na sya pala ang partner ko. Sabagay pano ko pala malalaman eh ni hindi ako nag abalang basahin yung invitation.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon