Chapter 30

17.7K 218 26
                                        

A/N: Sobrang busy ako sa AlDub ngayon kaya matagal bago ako makapag UD.... kinikilig ako eh.haha. Super papable ni Alden at bagay na bagay sila ni Yaya Dub. Adik lang! Hindi kumpleto ang araw ko pag di ko sila napanood. Pagpasensyahan pati dito sa wattpad sine-share ko. Nakakatuwa kasi..(pagbigyan nyo na). Ang saya ng puso ko eh. Ang sarap mainlove at kiligin dahil sa AlDub! Kakakilig! Haaaaaaaaay!

Anyway heto na po yung UD ko. Thanks ;)

_______________________

Pagkatapos namin mag-usap ni Karen di sinasadyang napalingon ako kay Ranz at nakasulyap sya sakin.

Ewan ko ba bakit kakaiba yung tingin nya...or baka imagination ko lang.

Nag-iwas ako ng tingin. Buti malapit na kami.

Pagkatapos ko magpasalamat sa kanya bumaba na ako. Nauna na ako at ni hindi ko sya inantay.

Ayoko tong nararamdaman ko. Dapat nga iniiwasan ko na sya.

Pero naabutan pa din nya ako habang inaantay yung lift. Tahimik lang ako hanggang sabay kaming pumasok ng lift.

"Zans what time alis mo?! Hatid na kita.";maya-maya sabi nito.

Napalingon ako sa kanya. Titig na titig sakin.

"No thanks! Kaya ko na pumunta mag-isa.";tanggi ko.

"I insist.";sabi nito.

Gusto ko nga sana tanungin kung bakit ganito sya ngayon pero mas maige ng hindi na lang alamin.

Di na ako umimik basta dumiretso na lang ako ng unit ko at sinarado ko agad pagkapasok ko. Ni sulyap di ko na ginawa.

Napabungtong hininga na lang ako pagkaupo ko sa sofa sa living room. Di ko alam kung ano ang iisipin ko.

Bigla ko naalala ang barkada kaya tinawagan ko sila isa-isa dahil ayoko naman isipin nila di man lang ako nagpaalam.

Wala na din kasi time na magkita pa at busy din sila.

Malungkot sila dahil aalis na naman daw ako agad. Sinabi ko na lang na babalik din naman ako at papakita sa kanila pagkabalik ko.

Pagkatapos ko silang matawagan pinilit ko matulog para kahit pano may pahinga ako bago yung flight ko mayang gabi.

Naalimpungatan lang ako ng mag alarm yung phone ko.

7pm na.. 11pm yung flight ko. Kaya bumangon na ako para makaligo. Buti ayos na yung bagahe ko pabalik.

Pagkatapos ko magbihis nilabas ko na ding yung isang luggage na dala ko.

Itinabi ko may gilid ng pinto at saka ako dumiretso ng kusina para uminom ng gatas.

Wala ako gana kumain kaya inom na lang ng gatas para kahit pano may baon akong lakas.

Tinignan ko yung oras mga 8 na kaya kinuha ko na yung shoulder bag ko na nilapag ko sa table sa sala.

Pagbukas ko ng pinto di ko inaasahan na mabubungaran ko si Ranz.

Nagulat man ako pero di ko pinahalata. Hinila ko na din yung luggage ko palabas at nilock ko na yung pinto.

Hihilahin ko na sana yung luggage ko pero inunahan ako ni Ranz.

Ni walang imik basta pumunta ng lift. Sumunod ako.

"Akin na...I can manage.";sabi ko sabay hila sa kanya yung luggage ko. Pero ayaw nyang bitawan.

"Hatid na kita.";seryosong sabi nito.

"Ok lang wag na.";sagot ko. Pero ayaw talaga bitawan yung luggage ko.

Pagdating namin sa parking area nilagay nya yung luggage sa compartment ng kotse nya kaya wala na ako nagawa kundi magpahatid.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon