Pagmulat ko nakahiga ako sa kama. Ginala ko yung mata ko sa kwarto at napagtanto kong nasa hospital ako.
Biglang bumukas ang pinto at niluwa si Karen kasama ang sa tingin ko'y isang doctor dahil sa suot nito.
Biglang lumapit sakin si Karen. Buti gising ka na.
"Pinag-alala mo kaming lahat.";sabi nito.
"Okay na ako. Ano ka ba. Hilo lang yun.";nakangiti kong sagot.
"Iha I think you're not aware yet.";biglang nagsalita yung doctor na kasama ni Karen na pumasok.
Mukhang pinoy na dito din nagtra-trabaho.
Bumundol sakin ang kaba.
"What do you mean doc?! May sakit ba ako?!";nag-aalalang tanong ko.
Ngumiti sya.
"Wala kang sakit iha...but you're 2months and 2weeks pregnant.";sabi nito na parang bombang sumabog sa pandinig ko.
Parang di ako makapaniwala. Lumingon ako kay Karen.
Marahan syang tumango bilang pagkumpirma na totoo yung narinig ko.
Nagbigay ng reseta na mga vitamins ito bago umalis. Binilinan ako na wag pagurin ang sarili ko dahil maselan ang pagbubuntis ko.
Paglabas ng doctor saka ako niyakap ni Karen at di ko na napigilang umiyak.
Di ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na to. Mas lalo yatang gumulo yung isip ko.
"Andito lang ako para sa inyo ni baby.";pagpapatahan sakin ni Karen.
"Blessing yan kaya alagaan mo sarili mo para healthy kayong mag-ina.";payo nito.
Nanatili akong nakayakap sa kanya at patuloy ang pagdaloy ng luha ko.
Wala akong maapuhap na salita kasi hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala. Nag-bunga pala ang isang gabing yun.
"Magpahinga ka para makabawi ka ng lakas.";payo ni Karen pagdating namin ng apartment ko.
Hinawakan ko sya sa kamay.
"Thank you!";sinserong sabi ko sa kanya.
"Okay lang yun gurl. Pahinga ka na at ako na muna bahala sayo dito. Ipagluluto kita.";sabi pa nito.
Tumango na lang ulit ako at niyakap ko sya bago ako pumasok sa kwarto.
Pagka-sarado ko ng kwarto bumuhos na naman ang luha ko. Napaupo ako sa kama at hinaplos ko ang impis ko pang tiyan. Napapikit ako ng mariin.
"Lord god thank you for this blessing.";usal ko.
Di ako natulog..nakasandal lang ako sa kama habang hinahaplos pa din ang tiyan ko.
Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na may isang buhay na nasa sinapupunan ko. Samot-sari ang nararamdaman ko. Ang hirap ipaliwanag.
Maya naramdaman kong may pumihit sa pinto.
"Oh gurl musta na pakiramdam mo?!";tanong ni Karen habang papalapit sakin.
"Nakaluto na ako kaya lika na kain na tayo para makakain na din si baby.";dagdag nito sabay upo sa tabi ko.
"Okay na ako gurl.";ngumiti ako sa kanya pero di napigil ang pagtulo ng luha ko.
"Shhhh....ano ka ba!";sabi nito sabay kabig sakin.
"Makakasama sa baby pag umiiyak ka. Dapat matuwa ka kasi magiging mommy ka na.";sabi pa nito.
Niyakap ko sya ng mahigpit. Sya lang ang tanging nasasandalan ko lalo na ngayon.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
Lãng mạnPaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...