Chapter 8

14.3K 211 6
                                        

Kinaumagahan... Ang sarap pa sana ng tulog ko ng biglang bumukas ang pinto.

"Ranz anong ibig sabihin nito?!"malakas na boses ni Tita Anne.

Ang sakit ng ulo ko kaya hirap pa din akong imulat ang mata ko.

Pakiramdam ko nananaginip ako.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ni Zandra?!";dumagundong na boses ulit ni Tita Anne.

Parang bigla ako naalimpungatan pagkarinig yung tanong na yun.

Unti-unti akong dumilat at nagulat ako na magkatabi kami ni Ranz sa kama ko.

Maging sya nagulat din sa narinig na boses ng kanyang mama at ng makita din lalo na sa hitsura naming pareho.

"Mabuti't gising na kayo. Magbihis kayong dalawa at mag-uusap tayo.";seryosong pahayag ng mama ni Ranz.

Pagkalabas na pagkalabas ni Tita Anne.

Narinig kong napamura sya. Nakasukob kami sa iisang kumot.

Namula ako dahil nakakahiya. Bigla akong umupo at itinaas ang kumot para matakpan ang katawan ko.

Nakita na yata ng lalaking to ang lahat ng tinatago ko. Juskupo. Balisa tuloy ako.

Sinapo ko ang ulo ko sa sobrang sakit.

Sya naman bumangon na. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala akong maapuhap na salita. Di ako mapalagay dahil sa eksenang to.

Yung damit namin nagkalat.

Isa-isa nyang dinampot yung damit nya saka sa harapan ko na mismo sya nagbihis. Ambastos!!!

Pilit ko iniiwasan yung tanawin sa harap ko. Kahit nakakaengganyo sanang pagmasdan.

"A-Anong ginagawa mo dito?!";sa wakas nahanap ko din yung boses ko.

"Magbihis kana at naghihintay si Mama.";yun lang at lumabas na sya.

Pagkalabas nya dinampot ko na din lahat ng damit ko at nagmamadaling isuot.

Gusto kong malaman bakit andito si Ranz sa kwarto ko.

Bigla ako naalarma. Kinapa-kapa ko ang sarili ko kung may masakit.

Nabunutan naman ako ng tinik ng wala akong maramdaman bukod sa ulo ko dahil sa hangover.

Paglabas ko. Naisip kong pumunta sa cottage ni Tita Anne at sigurado akong dito sya nag-aantay.

Kahit nanginginig ako sa kaba. Kumatok ako at maya maya pinagbuksan ako ng pinto.

Wala syang imik. Dumiretso sya sa mini sala. Sinundan ko lang sya. Biglang naumid ang dila ko at di ako makapag-salita. Andun na din si Ranz nakaupo.

"Upo ka iha.";utos sakin ni Tita Anne. Agad naman akong tumalima.

"Paki-explain kung anong nangyari kagabi at kung bakit magkatabi kayo. Ranz?!";seryosong tanong nya.

Tumuon yung mata ko kay Ranz. Naghihintay din ako ng sagot kasi pati ako naguluhan dahil di ko alam pano sya napunta sa kama ko.

"Ma kung ano yang iniisip mo hindi yun. Walang nangyari sa amin!";may diing pahayag nya.

"Pano mo ipaliliwanag na magkatabi kayo at yung mga damit nyo kung san na lang nagkalat?! Ano ka ba naman Ranz. Bestfriend mo yang si Zandra. Ni hindi mo na ginalang. Ano na lang ang sasabihin ng parents nya pag andito sila at ganyan. Nakakahiya sa kanila. Tayo na nga lang ang pamilya nya. Ngayon sasabihin mong walang nangyari. Hindi ako ipinanganak kahapon Ranz.";mahaba at may diing pahayag ng kanyang mama.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon