"Sus! Dina-divert mo lang ang tinatanong sayo.";tumatawang sabad ko.
"Hindi kaya.";tumatawang depensa nito.
Then bigla nyang hinawakan ang kamay ni Candy at biglang hinalikan ang tiyan nito.
"Magiging daddy na din ako soon.";masayang anunsiyo niya.
"Really?";agad na tanong ni Len.
Nakangiting tumango si Candy at parang nagwala na ang lahat.
Kanya-kanyang tayo para yakapin at i-congratulate ang dalawa.
Para akong napako sa upuan ko. Bigla akong nakaramdam ng inggit. Inggit na matagal ko ng hindi nararamdaman.
Bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa kamay ko at pinisil ito. Napalingon ako kay Ranz.
Binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti bago ako tumayo at lumapit kay Candy at Bench.
"Congrats! I'm happy to both of you. Another blessing sa barkada.";sabi ko habang haplos ko sa impis pang tiyan nito bago ko sila niyakap.
"So kayo kelan nyo balak?!";biglang samin na tanong ni Bench dahil pinaglipat nya ang tingin samin ni Ranz.
Napa-iling ako na tumatawa.
"Gawa nalang kayo ulit taz ampunin ko.";sabi ko sa kanila.
"Zandra are you out of your mind?!";nakataas ang kilay pero nakangiti na sagot ni Candy.
"If you want a baby ikaw mismo mag produce.";tumatawang sabad ni Nancy na inayunan nilang lahat.
"Kung gusto nyo lang naman pwede kong alagaan.";nakangiti kong sagot.
"Gawa ka nalang para mas masaya hindi yung makiki-agaw ka pa.";sagot ni Len.
"Ni wala nga kasing boyfriend paano naman.";sabad ni Vic.
"So sa akin ang topic ngayon?!";tumatawang sagot ko sa kanila.
"Sagutin mo na kasi yung manliligaw mo.";sabi ni Sam.
"Ayoko.";ikli kong tugon.
"May hinihintay ka?!";tanong ni Nancy.
Natahimik ako. Meron nga ba?!;saisip ko.
Umiling ako.
"Pwedeng ako nalang Zans?!";sabad ni Ranz.
Natahimik ako sa narinig. Ang tagal na kasing di sya nagsasabi ng ganyan kahit mga pahaging man.
Napuno ng tuksuhan dahil sa sinabing ito ni Ranz.
"Pwede bestfriend.";sagot ko maya-maya.
Pero parang napansin ko nabawasan ang ngiti nito sa narinig na sagot ko.
Di ko nga alam kung bakit yun ang biglang lumabas sa bibig ko.
"Woooooaahhhh!";sabay sabay na react naman ng barkada.
Ang O.A naman maka react ng mga ito kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Bakit may bestfriend?! Hindi ba pwedeng...pwede lang ang sagot?!";si Vic.
Huminga ako ng malalim.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...