Chapter 56

13.9K 177 22
                                        

Dahan dahan syang lumapit sakin at kusa nalang akong napapikit ng dumampi ang labi nito sa mga labi ko.

Napayakap ako sa kanya dahil para akong nanghihina sa bawat halik na binibigay nya.

Di ko na namamalayan na lumalalim ang mga bawat halik nito na nag-uudyok naman sakin para tugunin ko ang umaapoy nitong labi.

Naramdaman ko nalang na lumapat ang likod ko sa malambot na kama at nakapatong ito sakin habang masuyo pa din nya akong hinahalikan at nilalakbay ng mga kamay nito ang bawat parte ng katawan ko.

Parang sa mga oras na ito gusto ko lang magpaubaya. Kasi mahal ko naman sya talaga.

Kung may tao akong pag-aalayan ng pagkatao ko, ang katawan ko, ang lalaking ito lang na sobrang mahal na mahal ko.

Sya pa rin at sya parin ang pipiliin ng puso ko.

"Zans please tell me to stop and I will.";narinig kong bigkas nito sa bawat halik na pinapakawalan nito. Parang hinihintay lang nitong pigilan ko para itigil na nya ang ginagawa.

Pano ba ako tututol kung ang puso ko maging ang katawan ko sabik dito.

Bahala na basta ang sigaw ng puso ko ang susundin ko.

"Ranz I want you to love me.";bulong na sagot ko sa kanya at niyakap ko sya ng mas mahigpit.

Dun palang parang hudyat na sa kanya na gawin na namin lahat.

After all asawa ko pa din naman sya at mahal ko sya.

Bawat halik at paghaplos nito sa katawan ko ay nararamdaman kong may pag-iingat at pagmamahal kaya mas lalong umaalab ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

For the second time naging isa kami ulit bilang mag-asawa.

"I love you so much Zans.";bulong nito pagkatapos may maganap sa pagitan namin at mahigpit nya akong niyakap.

"I love you too Ranz. Sana kahit di mo marinig sakin maramdaman mo na mahal na mahal pa din kita.";sagot ng puso ko.

Paggising ko kinaumagahan wala na akong katabi. Napasandal ako at napapikit.

"May nangyari sa amin ni Ranz.";usal ko. Pero wala akong makapang pagsisisi.

Maya-maya lang bumukas ang pinto at niluwa ang pagka-gwapong nilalang sa paningin ko.

"Zans di ka na naantay ng barkada kasi mag ta-tanghali na kailangan daw nila pumasok kasi ngayon.";bungad na sabi nito.

Ang himbing naman ng tulog mo.;kantiyaw ng isip ko.

"Okay.";tangi kong sagot. Parang di ako makatingin sa kanya ng diretso eh, di ko maiwasang mag blush dahil sa isipin palang yung naganap.

"Ah I need a shower.";sabi ko agad sa kanya bago pa sya makapiyok.

"Take your time. I'll just wait you here.";nakangiting sagot nito na tinanguhan ko nalang.

Tapos na ako nakagayak dito sa loob ng banyo pero nanatili pa din akong nakatingin sa salamin.

Pano na ngayon?! Ano bang dapat kong gawin?!;saisip ko.

"God please lead me which way to choose...the freedom I'm asking for or to fight my love to him for the last time?!";dalangin ko.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon