Finale

29.6K 361 101
                                        

Ranz and Zandra's Wedding Day!

It feels like a first time. Yung kabog ng dibdib ko sobrang nakakabingi.

I'm walking down the aisle. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa napaka-gwapong groom na naghihintay sa akin.

Napansin kong di nito napigilan ang luha nya habang naglalakad ako patungo sa kanya.

Ganun din naman ang nararamdaman ko.

Sa dami ng pinagdaanan namin masaya ako na humantong pa din kami ulit sa kasalan.

Tama ang mga kaibigan ko bakit ba ako matatakot na iparamdam sa kanya na mahal ko sya at hayaan kami na maging masaya.

Ngayon alam ko tama ang desisyon kong sundin ang puso ko.

"I pronounce you husband and wife. May you now kiss the bride.";narinig kong sabi ng minister na nagkasal sa amin.

Di ko namalayan na tapos na pala ang seremonya.

Lumulutang kasi ang isip ko.

Para akong nasa cloud nine dahil di ako makapaniwala na nandito kami ni Ranz nagsumpaan na mamahalin namin ang isa't-isa hanggang wakas.

Ibang klase yung nadarama kong saya dahil this time I know totoo na lahat ng ito.

Nakatitig ako sa kanya. Umaapaw ang kagalakan ng puso ko dahil alam kong pagmamahal ang nakikita ko sa mga mata nito.

"I love you hon.";sabi nito bago nya ako binigyan ng halik.

Halik na parang ayaw na naming putulin.

"Ang tagal namang halik yan. I-reserve mo na lang bro.";narinig naming kantiyaw ni Vic kaya napahiwalay kami sa isa't-isa.

Ito talagang si Vic panira ng moment.;saisip ko.

Tumawa lang si Ranz at niyakap ako pagkatapos ng halik na yun.

Nagsilapitan na ang lahat ng dumalo especially ang buong barkada at mommy ni Ranz.

Picture taking pagkatapos. Umaapaw sa kaligayahan ang puso ko dahil sino ang mag-aakala na magiging ganito din ako kasaya.

Mararanasan din ang pag-ibig na nakita ko sa mga kaibigan ko ng sila ang mga ikinasal.

Sobrang tuwa ni tita Anne ng malaman na maayos na kami ng anak nya.

Excited itong umuwi agad ng malaman nito.

Sa reception nagbigay ng kanya-kanyang wish ang lahat para sa amin na pinangunahan ng mommy ni Ranz.

Na hinihiling na nito na bigyan na namin ng apo.

Ang sarap marinig lahat ng mga greetings nila sa amin.

Sa mga kaibigan kong napaka-supportive kahit kelan sa pagmamahalan namin ni Ranz.

Ibang klase din ang pakiramdam sa sobrang sweet ng katabi ko..na sobra naman pinapakilig ako.

"Ang tagal nilang magsalita, gusto na kitang ma-solo.";bulong nito dahilan para kurutin ko.

"Ah...excuse bro may message pa ako baka gusto mong marinig.";tumatawang kantiyaw ni Bench na tinawanan ng lahat.

Sya nalang kasi ang hindi pa nagbibigay ng message para sa amin.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon