Matamlay akong bumangon kinaumagahan. Ang bigat sa pakiramdam. Walang Ranz na umuwi.
Umasa ako na uwian nya ako dahil sa may nangyari na samin.
Gusto ko pag-usapan sana namin at kumbinsihin na magsimula kami pero madaling araw na wala pa din akong mahintay.
Tumapat ako sa shower. Sakit ng ulo ko dahil di ko napigilan na umiyak ng umiyak kagabi hanggang sa nakatulugan ko.
Para na nga akong kwago dahil sa mata ko na mugtong-mugto.
Nakatingin ako sa salamin. Pinilit kong ngumiti.
Gusto kong makita kahit sa repleksyon ko sa salamin na kaya ko pa. Pilit kong kinukumbisi ang sarili ko.
__________
3 days na mula ng may mangyari samin ni Ranz pero ni anino wala ako makita.
Ni mag thank you man lang noh...wala man lang.;pilit kong pinapatawa ang sarili ko.
Mula din nung araw na yun parang wala ako sa sarili. Tulala na lang palagi. Yung diwa ko kung san san na napapadpad.
Andito nga ako sa boutique pero nagkukulong lang naman ako dito sa maliit kong office gaya ngayon.
Nang uwian na wala pa ako ganang umuwi kaya nag taxi ako papunta sa isang resto na paborito ng barkada na tambayan.
Papasok na ako sa resto ng mahagip ng mata ko yung sasakyan ni Ranz.
Andito sya.;bulong ko. Ewan ko pero parang nabuhayan ako ng lakas.
Ilang araw na kaming di nagkikita at miss ko na sya. Baka dito sakali magkaroon kami ng chance makapag-usap. Kaya dumiretso na ako sa loob.
Pagpasok ko iginala ko yung mata ko sa loob ng resto at pinasadahan ko lahat bawat taong andun.
Hanggang sa makita ang hinahanap ko. Pero yung tagpong nakita ko sobrang hinugot lahat yung baon kong lakas.
Parang nauupos na kandila ang pakiramdam ko sa mga oras na to.
Magkahalikan sina Ranz at Irene sa mga oras na to. Di ko namalayan na tumakas ang luha ko sa mata.
Marahas kong pinahid yung luha ko at nag-ipon ako ng hangin at ewan ko kung anong naisip ko't gusto kong lapitan sila.
Tapos na yung tagpong halikan kaya hinakbang ko na yung paa ko palapit sa kanila.
"Hi! Nice to see you here!"; nakangiting bungad ko.
Mukhang nagulat sila sa biglaang pagsulpot ko. Pero hindi ko pinansin anuman ang reaksyon nila.
"Hi!";ngiting bati ni Irene sakin maya-maya.
Tinignan ko si Ranz pero ang seryoso ng mukha.
"Can I join?!"tanong ko. Wala kasi akong kasama.;dagdag ko.
"Sure! Upo ka.";sagot ni Irene.
Ngayon ko lang napansin mukhang katatapos nila kumain kasi ililigpit na lang yung nasa table nila.
"Tapos na pala kayo kumain. Sayang naman wala na naman akong kasabay sa pagkain.";pilit ang ngiti kong banggit.
"Oo eh. Halos katatapos lang namin kasi.";si Irene ulit.
Bakit ang tahimik nitong isang to.;saisip ko.
Tinawag ko yung waiter at nag order ng pagkain ko.
Habang inaantay namin yung inorder ko.
"Uhm musta na kayo?!";biglang basag ko sa katahimikan.
"We're fine.";malamig na sagot ni Ranz.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)