Chapter 46

13.2K 173 8
                                        

"Brad honestly I'm thankful that you've been part of my life but I don't want to give you any hope kasi unfair sayo. Ayokong magmadali. I'm not ready yet for a serious relationship, you know that, even before I'm open about it kaya nga di ba magkasundo tayo. Di pa handa yung puso ko na magmahal ulit sa iba. Ayoko namang pilitin. Gusto ko kung sakali maging tayo ulit eh yung ikaw nalang ang nandito.";mahabang sagot ko sabay turo sa tapat ng puso ko.

_______________________

Weeks na din ang nakalipas mula ng huli kaming mag-usap ni Brad.

Humingi ako ng space sa kanya para makapag-isip. Gusto kong malaman kung hahanapin ba sya ng puso ko pag di ko sya makita.

Kahit pano kasi may soft spot na sya sa puso ko. Pero ganun yata talaga kahit sinasabi ko na "love can be learn" eh mahirap pa din talagang turuan ang puso.

Nakatulala ako sa kisame habang nag-iisip ng mga bagay-bagay.

May isang taong hinahanap yung puso ko pero hindi si Brad. Ilang weeks ko na din syang di nakita.

Pero mas mabuti na din siguro na di ko sya nasisilayan para hindi malito yung puso ko.

"God please help me to move on...pagod na kasi itong puso ko, sobrang sakit na sa dibdib.";usal ko.

Sunday ngayon kaya off ko sa resto. Halos wala na din akong pahinga dahil na din sa pagiging abala.

Lunch time na ng maisipan ko ng kumilos. Kanina pa ako tulala at kung ano ano nalang ang pumapasok sa isipan ko.

Habang abala ako sa pagluluto ng lunch ng may mag door bell.

Sino naman kaya ito?!;saisip ko habang papalapit sa may pinto.

"Hi Zans";nakangiting bati ni Ranz. Nakatingin lang ako sa kanya dahil ngayon ko ulit sya nakita at medyo nagulat ako kasi may dala itong bulaklak.

"Wag kang mag expect hindi sayo yan ibibigay.";sita agad ng isip ko.

"Bakit bez may kailangan ka?!";malumanay kong tanong. Pero parang nabawasan yung ngiti nya sa tanong ko.

"Can I come in Zans?!";tanong nito kaya niluwagan ko yung pinto.

Dumiretso ako ng kusina para ituloy yung niluluto ko at naramdaman kong nakasunod lamang ito.

"By the way Zans for you.";sabi ni Ranz kaya napaangat ako ng tingin at nakalahad sa harap ko ang bouquet na dala nya.

Ewan ko pero wala akong naramdaman na tuwa.

First time yata nya akong bibigyan ng bulaklak.

At bakit?! Anong meron?!;saisip ko.

"Para san yan?!";bale-walang tanong ko at tinuon ko ulit ang atensyon ko sa niluluto ko.

"Gusto lang kitang bigyan nito. Na miss kasi kita.";sagot lang nito.

"Ah. Pakilapag nalang dyan bez. Anyway salamat.";sabi ko at sinamahan ng ngiti.

Ayaw magdiwang ng puso ko dahil lamang binigyan nya ako ng bulaklak.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon