Chapter 43

14.1K 170 1
                                        

Zandra

Nagising ako sapo ang ulo ko. Napaupo ako at sumandal sa headboard ng bed at nakatulala sa kisame.

Panaginip ba yung kagabi o totoong kinakausap nya ako?! Ang saya ng puso ko habang naririnig yun. Ang sarap sa pakiramdam.

Huminga ako ng malalim sa isipin na yun.

Maybe it was just a dream because it's impossible to be real.;usal ko.

Dinadaya lang siguro ako ng imagination ko habang tulog kaya pakiramdam ko totoo.

Pilit kong iwinaksi yun sa isipan ko para di na mag-isip ng ano pa man.

May konting hangover pa ako. Pero di gaya dati pag nalalasing ako.

Naalala ko kagabi. Naisip ko kasi magpakalasing dahil huli na yun na gagawin ko.

Sa buong araw kahapon na umalis ako ang dami ko din na realized.

Gusto ko ulit magbagong buhay. Akala mo naman ang lala ng kasalanan ko noh at magbagong-buhay talaga.

Ayoko lang ulitin ang ganung klaseng kalayawan para makalimot sa problema sa buhay. Napapikit ako ng mariin.

"Thank you lord god for all your guidance. Sana paki guide din yung puso ko para sa lalaking hinihiling nito, yung lalaking mamahalin ako ng buo at tatanggapin anuman ang nakaraan ko.";usal ko.

"Hindi man ikaw Ranz ang forever ko. Alam kong may inilaan ang diyos na magiging kinabukasan ko.";saisip ko.

Lumilipad na naman pala ang utak ko. Napalinga-linga ako, walang nakabalandrang Ranz.

San kaya yun?!;saisip ko,

Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang pumasok ito. Pakiramdam ko tumalon yung puso ko.

Ang gwapo ng nakikita ng mga mata ko. Idagdag pa yung mga ngiti sa labi nito na na miss ko naman talaga.

Ipinilig ko yung ulo ko bago pa lumipad ulit kung saan yung himahinasyon ko.

"Hi Zans good morning.";nakangiting bati nito.

Ginantihan ko sya ng ngiti.

"Good morning bez. Sensya na late na ako nagising. Di ba ngayon pala tayo balik ng manila?!Ligo lang ako ha.";saad ko.

"Okay lang Zans. Take your time, antayin kita para makakain muna tayo bago magbyahe.";nakangiting sagot nito.

After ko mag-ayos lumabas na ako. Nagtama ang mata namin. Nakaupo si Ranz habang inaantay ako. May pagkain na nakahain din.

Napangiti ito at lumapit sakin.

"Lika na Zans kain na.";nakangiting sabi nito at giniya ako para maupo.

"Thanks!";sabi ko.

Pagkaupo ko nilagyan ko ng pagkain yung plate nya.

Napatingin ito sakin at napangiti.

"Thanks Zans...na miss ko yung pag-aalaga mo.";sabi nito.

"Kain na.";tangi kong nasabi at nagsimula na din akong kumain.

Medyo asiwa ako sa paraan ng pagtitig nya.

"Musta yung pakiramdam mo?! May hangover ka ba?!";maya tanong ni Ranz.

"Konti lang pero ayos lang ako. Sanay eh.";nakangiting sagot ko kaya natahimik na to.

Nabibingi ako sa katahimikan.

"Uhm...what time ka natulog last night?!";biglang basag na tanong ko.

Napatingin ito sa mga mata ko.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon