Umaga ang naging usapan namin ni Ranz.
Medyo kabado ako at parang daming paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko.
Ito na naman yung feeling na dapat di ko na maramdaman. Pero nagawa ko pa din naman kalmahin ang sarili ko.
Kanina pa ako nakaayos at ngayon hinihintay nalang sya.
Maya-maya pa'y narinig ko ng may mag doorbell.
Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo at kinuha ang bag ko.
Pagbukas ko ay bumungad sakin ang isang napaka-gwapong nilalang para sakin na minsan pinangarap ko.
"Na hanggang ngayon pinapangarap mo.";sigaw ng puso ko.
"Hi Zans! For you.";nakangiting bati nito sabay bigay ng bulaklak na hawak nito.
Alanganin man nakuha ko pa din abutin.
"Thanks.";ikli kong tugon bago ko ipinasok at iniwan ito sa loob.
"So let's go?!";baling ko sa kanya pagkatapos ko isarado ang pinto.
Habang nasa daan kami di ko mapigilan ang sarili ko na pasimpleng lingunin sya.
Nakaka-inlove pa din syang pagmasdan.;saisip ko.
Napaiwas ako ng tingin ng napansin kong lilingon sya sa gawi ko.
"San tayo?!";tanong ko para pagtakpan ang tensyon na biglang naramdaman ko.
"Road trip tayo. Hope you don't mind.";baling nito na sagot sakin.
"Okay.";ikli kong tugon.
Pansin kong daan papuntang baguio ang tinatahak namin pero nanatili akong tahimik.
Parang walang gustong lumabas sa bibig ko kahit alam ko naman sa sarili ko na sana nakakapagkwentuhan pa din kami ng kahit anong usapan kahit yung tipong mababaw man.
Pumarada sya sa isang resto at nag-aya syang mag snack. Halos nagtitigan lang naman kami.
Wala man lang kaming mapag-usapan. Pati sya pansin kong napakatipid ng salita.
After that nag-aya na sya. Imbes na kung ano-ano ang iniisip ko.
Minabuti ko nalang na i-enjoy ang tanawin na nadadaanan namin.
Ito yata ang first time na mag-kasama kami gaya nito dahil usually kasama ang buong barkada sa mga lakad na ganito.
Kahit pano nawiwili ako sa mga nakikita ko hanggang sa di ko na namalayan na huminto kami sa isang private resort.
"We're here.";anunsiyo nito kaya napalingon ako sa tabi nya.
"What are we doing here?!";tanong ko.
"Birthday ko naman Zans, can you please spend this day with me?!";seryosong tanong nito.
Nakatitig lang ako sa mukha nya habang sya hinihintay anuman ang isasagot ko.
"Sure bez.";sagot ko maya-maya at sinamahan ko ng isang ngiti.
"Zans pwede bang wag mo na akong tawaging bez?! Masakit eh.";malungkot na sabi nito.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)