After nga namin kumain ng lunch, nag ayos at nagbihis lang kami then umalis na ng bahay nito.
Lulan kami ng kotse nito pero wala pa akong naisip na pupuntahan.
"What do you want to do hon?!";pisil na tanong nito sa kamay ko dahil hawak na naman nito.
You decide.
"Wala ako maisip.";sagot ko dito.
"Movie date nalang hon if you don't mind?!";baling na tanong nito sakin.
"Movie date?! Kikiligin na ba ako?! Never pa kami nag movie date na kami lang. Dati rati kasama ang buong barkada.";tili sa isip ko.
"Okay.";tangi kong sagot na kahit ang puso ko umaapaw sa tuwa.
First movie namin ito together kaya di ko maiwasang ma excite.
Sa mall kami pumunta at tinahak ang movie house.
Hinayaan ko sya pumili ng movie.
Makasama lang naman sya at ma experience ito na kami lang eh isa na ito sa ite-treasure ko.
English movie ang pinili nya. Honestly wala ako maintindihan sa pinapanood ko dahil yung isip ko lumilipad na naman.
Pakiramdam ko para sa kanya parang normal ng akbayan at hawakan ang kamay ko which is sobrang lumulundag ang puso ko.
This was just a dream before but it's happening now. Iba yung feeling.
Ang dami ko palang babaunin na good memories pag maghiwalay na kami.;saisip ko.
Ayokong maging malungkot pag naiisip kong maghihiwalay na kami.
"Hon are you okay?!";bulong nito sakin at kinabig ako.
Lumingon ako sa gawi nya pero sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't-isa.
Kahit madilim man dito sa loob naaaninag ko pa sya.
"Yeah I'm fine.";sagot ko at di na ako nahiyang sumandal sa kanya.
At mas humigpit ang pag-akbay nito sakin. Gusto ko lang pagbigyan ang puso ko.
Natapos ang movie na may ngiti ako sa labi.
Isa ito sa masayang experience ko with him. Akbay nya ako habang naglalakad after namin manood.
"Kain tayo hon, I'm sure gutom ka na.";sabi nito.
"Okay.";tugon ko dito.
Patungo kami sa isang restaurant na nasa loob ng mall.
Papasok na kami at giniya kami sa available na table for two.
Di ko inaasahan na mahahagip ng mga mata ko si Brad na nasa kabilang table kung san seryosong nag-uusap ito kasama ang isang napakagandang babae.
Pero bigla lumiwanag ang mukha ni Brad ng mapansin nyang paupo na ako.
Binalik ko ang tingin ko kay Ranz.
Mukhang di naman nya napansin na may naka agaw ng atensyon ko sandali.
"What do want hon?!";tanong nito habang binabasa namin ang menu.
Pagkatapos ko sabihin sa kanya kung anong gusto ko ng biglang may lumapit samin.
"Hi babe!";nakangiting bati nito sakin at binigyan ako ng isang halik sa pisngi.
Mukhang napalakas pa ang pagsabi nito ng babe.
Napatingin ako kay Ranz at napansin kong dumilim ang mukha nito pero ni hindi nagsalita.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]
RomancePaano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot dahil sa iba tumitibok ang puso nya?! One sided love. Paano babaguhin ng di inaasahang kasal ang kan...
![Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/39695204-64-k525894.jpg)