Chapter 52

12K 167 0
                                    

Habang daan naging tahimik ako. Mixed emotions yata ako ngayon. Excitement at kaba.

Sino mag-aakala na magiging ganito sya sakin.

Gusto ko lang maging masaya kasama sya para kahit mahiwalay man kami...may mga babaunin akong ala-ala na di ko pagsisisihan.

Mahal ko pa din sya. Sobrang mahal na mahal ko pa din sa kabila ng lahat.

Napapikit ako sa isipin na yun. Alam ko tama lang tong ginagawa ko.

"Are you okay?!";baling na tanong nito sakin.

"Yeah. Pagod lang.";sagot ko nalang.

Pagdating namin sa bahay nya umupo muna ako sa sofa at napapikit. Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa noo.

"Okay ka lang ba hon?! Pahinga kana muna sa kwarto natin.";narinig kong wika nito.

Kwarto natin?! Napadilat ako sa narinig.

Diyos ko po lord ganito pala kalapit ang mukha nya sa mukha ko. Konti nalang feeling ko mahahalikan na nya ako.

"Ah... Uhm.. No need. Okay lang ako.";sagot ko.

"Okay hon. I'll just put your stuff to our room.";paalam nito bago umakyat.

Napapikit ako. Pinapakiramdaman ko yung puso ko.

Honestly natutuwa ang puso ko na ganito sya ngayon sakin. Sana lang di ako masanay para di ako mahirapan.

Nagulat ako ng may tumabi sakin at sumandig sa balikat ko. At pagkatapos hinawakan ang kamay ko.

Kinilig ako bigla. Parang gusto ko syang yakapin pero nagpigil ako.

"You sure hon you're okay?!";tanong nito kaya napadilat ako at sumagot.

"Yeah I'm fine.";sagot ko at tsaka tumayo.

Nanatili pa din syang nakahawak sa kamay ko kaya napasunod na din ito sa pagtayo.

Lumakad ako papuntang kusina. Hawak-kamay pa din kami.

"Anong pwede iluto?!";tanong ko habang nagbubukas ng cupboard.

"Tara hon mag grocery tayo.";suhestiyon nito.

"Uhm may stock ka pa naman dito.";baling na sagot ko.

"Konti nalang yan hon.";sagot nito na may kasamang ngiti.

"So tara na.";aya nito.

So ang ending lumulan kami ng sasakyan nya papunta sa pinakamalapit na supermarket.

Habang nag da-drive sya hawak nya ang kamay ko.

"Di naman nating kailangan mag holding hands habang nag da-drive ka.";sabi ko sa kanya.

Pero hinigpitan nito ang paghawak sa kamay ko. Bumaling lang ito saglit sakin at tinuon ang mata sa daan.

"Gusto ko lang sulitin ang bawat oras. Maramdaman mong mahal kita.";seryosong sagot nito.

Natahimik ako hanggang sa makarating kami.

Kumuha ito ng push cart pero ang isang kamay lang nito ang gamit sa pagtulak dahil ang isang kamay nito nakawahak pa din sa kamay ko.

Sa totoo lang kinikilig naman talaga ako. Kasi ang saya ng puso ko kahit sabihin pang holding hands lang.

Maya-maya abala na kami sa pagpili ng groceries.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon