Chapter 57

14.4K 165 0
                                        

Ranz

Sakit ng ulo ko.

Di ko napigilan mapainom kagabi lalo't alam ko anytime matatanggap na ni Zandra ang hinihingi nya.

Sabihin man matagal din ang proseso nito para mapawalang-bisa ang kasal namin pero yung isipin na papunta na sa legal na hiwalayan na parang kay hirap tanggapin.

Ayoko syang tanggapin pero wala naman akong magawa.

"Zans gusto kitang ipaglaban kung alam mo lang.";saisip ko.

Buti nalang weekend ngayon kailangan ko mag relax.

Since umuwi kami after kong ihatid si Zandra sa condo nya parang di ko na alam kung ano ba ang gagawin ko.

Di ako nag open ng cellphone.

Ayokong munang sumagot sa mga tawag at tanong ng barkada.

Masyado pang masakit eh. Di ko alam kung hanggang kelan maiibsan itong sakit sa puso ko.

Ilang beses din akong nag attempt na pumunta sa katabing unit para sana kausapin ulit sya na ayusin nalang namin pero pag nasa harap na ako ng pinto pilit nagsusumiksik sa isip ko na ito ang hinihiling nya kaya nanghihina ang loob ko.

"Deserve mo kung anuman ang sakit na nararamdaman mo kasi ganyan din naman sya nung panahon na ikaw ang mahal nya.";parang naririnig kong sigaw ng isip ko.

Napapikit ako sa isipin na yun.

Nag shower ako para mahimasmasan kahit pano.

Pumunta ako ng kusina at kumuha ng beer at umupo sa sala.

Parang bumalik sa ala-ala ko nung pauwi na kami kung san nakaidlip ito.

Nararamdaman ko naman na iniiwasan nya ako kaya pumikit ito.

Nang maramdaman ko nun na natuloy ito sa pagtulog inihinto ko ang sasakyan sa tabi at minasdan ko lang sya at di ko na talaga naiwasang na hindi umiyak ng mga oras na yun.

Di ko na napigilan sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Totoo yung sinasabi nila na iiyak ka lang talaga sa babaeng sobrang mahal mo at ayaw mong mawala.

Bigla akong bumalik sa kasalukuyan ng makarinig ng door bell.

Walang siglang tumayo at binuksan ko ang pinto. Nasa harapan ko ang buong barkada minus Zandra.

Gulat man ako pero di ko nalang pinahalata.

"Pasok.";tangi kong sagot bago ako tumalikod at bumalik sa sala.

"Bro ano bang nangyayari sayo?! Pinagtataguan mo ba kami?!";tanong ni Bench agad at kanya-kanya na din sila ng upo.

"Kausapin nyo yang kaibigan natin. Una na kami kay Zandra, sunod na kayo doon.";si Candy.

"Zandra?!";ulit ko pagkarinig sa pangalan nito.

"Oo bibisitahin namin ang misis mo. Kayo lang yata ang mag-asawa na magkahiwalay ng bahay.";napapa-iling na sabad ni Len.

"Kayo pagsabihan nyo yan ha. Batukan nyo na din.";tumatawa pero seryoso na ayuda ni Nancy.

Nakaalis na silang tatlo pero parang nagsimula na akong di mapakali.

"Ano bro?! Nakatunganga ka lang pala dito kaya kailangan ka ngang batukan.";asar na sabi ni Vic.

"Subukan nyo nga baka sakaling hindi naman talaga ito totoo.";mapait na ngiting sagot ko.

Secretly Inlove (unwanted marriage) [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon