"Napakahaba naman nito."
"Ang daming kayang babaeng may gusto ng mahaba."
"Ang hirap naman. Kita mo, sumasadsad!"
"Edi huwag mo kong suklayan! Sino ba nagprisintang suklayan ako!"
Tinabig ko ang kamay niyang sumusuklay sa buhok ko. Dahil sa ginawa kong iyon, sumabit ang suklay sa buhok ko kaya napa-aray ako.
"Tsk." He fixed my hair and gently brushed it. "Ang haba naman kasi ng buhok. Gusto mo ako na maggupit?"
Tinulak ko uli ang kamay nya at hinarap siya. Tumayo ako pero ganun din, nakatingala pa din ako sakanya. Napakatangkad na lalake! Kailan ba liliit ang height nitong mokong?
"Tatarantaduhin mo yung buhok ko?"
Sinamaan niya ako ng tingin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at marahas na iniharap sa salamin tapos pinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok ko.
"Why most of you girls prefer longer hair?" curious na tanong ni Demon.
"Para maganda ayusan?"
"Nag-aayos ka?"
Nairapan ko nalang siya.
Nakakairita talaga 'to si Demon madalas! Pasalamat siya, bebe ko siya.
Lumapit ako sa kama para kunin yung bag ko. Pero bago ko pa mahawakan 'yon, naunahan na akong hablutin iyon ni Demon. Walang sabi niyang dinala ang bag ko hanggang sa makalabas ng kwarto.
Sumunod nalang ako.
"Ang tagal niyo naman! Ano kayang ginawa niyo sa loob?" Ngumiti si Angelo nang makahulugan.
"Bakit ka ba nandito?" maangas na tanong sakanya ni Demon.
Napanganga si Angelo sa tinanong niya, as if hindi inaasahan at hindi matanggap na gaganunin siya ni Demon. Tumayo siya at pumaywang. "Hoy baby! Bago ka, ako ang palaging kasabay pumasok sa school ni Soyu!"
"Baby o suntukan?"
Hay nako. Ayan na naman sila. Ganyan palang rebat ni Demon kapag tinatawag siya ni Angelo na "baby". Pero alam ko namang biro niya lang yun... or hindi?
"Sistar, tomorrow night, huh? Baka makalimutan mo. Don't forget!" Paalala ni Angel habang naglalakad kaming tatlo ni Demon sa school. Pinapagitnaan nila ako.
"Oo, Angel. Nagsabi na rin ako kay Mama."
"Yas! Love you!" Niyakap nya ako sa braso.
Ang seloso ko namang boyfriend (hihi), hinila ako at inakbayan.
"Wag mo ngang inaakbayan si Soyu dito sa school! Bawal PDA dito! Saka nagseselos ako, pwede ba ako naman yakapin mo?"
Umamba si Demon na susugurin si Angel kaya naman mabilis na lumayo ang sistar ko.
Lumakad ako palapit kay Angel na siyang dahilan para magsalubong ang mga kilay ni Demon.
"Ah, siya talaga ang mas kakampihan mo kaysa sa'kin?" singhal pa niya.
"Malamang ako ang mas nauna!" sabat ni Angelo kaya lalong sumama ang awra ni Demon.
Napatingala ako dahil mas lalong lumiwanag ang kalangitan. Tirik na tirik na ang araw!
"Ayan! Away kayo ng away uminit na naman tuloy!" reklamo ko at umirap.
"Ang reklamador akala mo talaga ang tangkad." Pang-aasar ni Demon at binuksan ang bag zipper ng bag niya.
"Ano namang connect ng height ko sa init?"
"Alam niyo palagi kayong nag-aaway. Para kayong di mag-jowa."
![](https://img.wattpad.com/cover/20988972-288-k172035.jpg)
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Подростковая литератураThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...