My Demon 2: Chapter 3

201 4 2
                                    


"Before we adjourn this meeting, I wish to notify everyone that we were surprised to receive an email from the Fuentalez Group last night—"


Hindi pa nga tapos magsalita si Sir Jay ay nagreact na agad si Sir Arc, almost naghi-hysterical.


"Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Anong nakalagay sa email? Are they mocking as and calling us amateur dahil sa pipichuging merchant success ni Soyu?"


"Hey, Arc, could you please be a bit more mindful of your words? Your lack of professionalism during the board meeting is really bothering my ears," sita sa kanya ni Sir Jay. Seryoso ang mukha nito nung muling binalik ang tingin sa MacBook at may kung anong ginawa rito. "I just learned that you've been training Soyu for a managerial position for nearly 2 years. Is there a specific reason why her promotion hasn't been submitted yet?"


Kitang-kita ko ang pamumutla ng mukha ni Sir Arc lalo na nung pagtinginan siya ng lahat. What does it mean? He's been holding my promotion all this time?


"W-Well, you know, the reason I haven't fully submitted her promotion is that I can see there are certain areas she still needs to improve on, sir."


"I checked her performance data and outputs, she excels on everything. She's been our top performer for consecutive 3 years. And it's your job to report the employees with high potential for promotion yet you failed!" 


Ang lahat ay lalong natahimik nang magtaas ng boses si Sir Jay. Si Sir Arc naman, nahuli kong tumingin sa akin at sinamaan ako ng tingin.


Sir Jay heaved a sigh. "Malaki rin ang part ko at kasalanan ko rin kung bakit mababawasan tayo ng magaling na empleyado."


"Bale matatanggal nga si Soyu?" Nagulat ako nung magsalita si Winona. Pero nasaktan ako dahil nakita ko sa ekspresyon niya na parang gusto niya pang mangyari ang bagay na 'yon kaysa sa mag-alala.


"Fuentalez offered an agreement to bring her onboard with them."


Everybody gasped and looked at me like they couldn't believe what they just heard. Hindi sila lahat makapaniwala. Miski ako rin naman.


"Ang swerte mo naman, Soyu! Mabait lang talaga ang Fuentalez kaya ka in-offer-an." Ngumiti ako ng pilit sa sumunod na sinabi ni Winona pero mas nasaktan ako sa sinabi niya. Sa dinami-rami ng tao dito ngayon, sa kanya ko pa talaga narinig yon, sa taong once kong tinuring na kaibigan.


"I don't think it's luck," saad ni Sir Jay. "It's her skills that Fuentalez wants her to be part of their company. Nakakahinayang dahil mawawala ang top performer ng kompanya natin, pero hindi ko kayang tanggihan ang Fuentalez dahil baka putulin nila ang connection sa atin."


Tumayo si Leni at lumapit sa akin. "Congrats, Soyu! Una palang nakikita ko nang kakaiba yung galing mo. Kaya nai-intimidate akong lumapit sa'yo kasi feeling ang taas ng level ng skills mo kumpara sa akin. Deserve mong makapasok sa Fuentalez. Sobrang hirap makapasok sa company nila balita ko." Niyakap niya ako. Even though we are not that close, ramdam kong genuine ang lahat ng sinabi niya kaya napangiti ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Demon (When Childish Meets Badboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon