Ch. 35

8.3K 232 9
                                    

My Demon [Ch. 35]

*Angel and Demon's Talk*

Keyr Demoneir's Point Of View

Nasa oval ako at nakaupo mag-isa sa red bleacher. Ako lang ang taong nakaupo sa buong red bleachers dahil pinalayas ko ang mga taong nakaupo rin dito kanina. Class hour ngayon pero heto ako at nakatambay. Nakakaantok naman kasing magturo yung teacher namin. Si Ployj nga harap-harapan siyang tinutulugan eh. Papanoorin ko nalang si Soyu na maglaro kaysa samahan matulog si Ployj sa harap ng teacher namin.

Nagso-soccer sila ngayon. Hindi naman siya marunong. Takbo lang ng takbo, ang bagal pa. At habang tumatakbo, panay ang tawa niya. Pinagtatawanan pa ata ang kakupagan niya.

Sinipa sa kanya ng ka-team niya ang bola. Nilapitan niya yun at bumwelo ng sipa kaso bago pa man matamaan ng paa niya ang bola, may sumipa na nito palayo sa kanya.

"Haluh, bakit mo sinipa?" reklamo niya at parang bata na nagtatampu-tampuhan. Tinawanan lang siya nung lalaki.

I don't know why but everytime I see her tittering, I always found myself smiling like a fool. Hindi naman siya kagandahan pero ang sarap niyang panoorin, hindi nakakasawa. She isn't that attractive, but she's like a magnet that keep on pulling me towards her leaving me no choice but be pulled.

I smiled at the thought. I wasn't really expecting I would like a girl whose definitely an oppose of my type.

Napunta na naman sa kanya ang bola. Sisipain na sana niya ito kaso may mga kalaban na papalapit sakanya. Kaya ang ginawa niya, binuhat niya ang bola at tumakbo malapit sa net. Binaba na niya ang bola at tuluyan nang sinipa ang bola ng walang sumasagabal.

"SHOOT! YEY!" sigaw niya habang nakataas ang dalawang kamay. Nilinlang niya yung goal keeper kanina kaya na-shoot.

Alam nang lahat na foul ang ginawa niya pero wala ang nainis at naglabas ng hinanakit na "MADAYA!", lahat pa sila mga nagtatawanan at nagkakasiyahan. Wala sa paligid yung PE teacher nila kaya ganyan.

At gaya nalang sa mga pelikula, sa gitna ng kagandahan ng palabas saka sisingit ang epal kaya pumapanget ang palabas. Lumapit yung Johan kay Soyu at nakipag-apir. Ayun namang kulot na yun, ngiting-ngiti pa. Psh! Bakit kapag sa lalaking yan palagi siyang masaya at nakangiti? Sa'kin madalas siyang nakasimangot o kaya naman naka-pout. Malungkot ba kong kasama? Mas gwapo naman ako dyan ah! Sapakan nalang kaya kami nang magkaalaman?

"Pag-ibig na kaya? Pareho ng nadarama ito ba ang simula..." May kutong-lupa ang naglakas loob na lapitan ako at kumakanta pa. Feeling maganda boses.

"Di na mapipigilan pag-ibig nga ito..." kumakanta siya habang nakatingin kila Soyu at Johan. Inabutan ni Johan si Soyu ng bottled water. At matapos uminom, nag-usap sila at nagtawanan. Nakapag-usap na ba kami na may halong tawanan? Wala. Puro away.

"Sana'y di matapos ang nadaramang ito. . . pag-ibig na kaya pag-ibig na kaya ito oooh oooh─"

Hindi na ko nakatiis kaya binalingan ko na siya. "Tumigil ka dyan sa pag-ngawa mo kung ayaw mong mamatay," I threat.

My Demon (When Childish Meets Badboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon