My Demon [Ch. 46]
"Pa'no kung sabihin kong oo?"
Inaantayan kong durugtungan niya ng, "Hahaha! Syempre joke lang yun. Asa ka naman na magugustuhan kitang kulot ka" pero wala ni isang salitang mapang-insulto o kahit na simpleng "joke" ang lumabas mula sa bibig niya.
Seryoso talaga.
Hindi ako nakakibo. Ang tanging ginawa ko lang ay ang mag-iwas ng tingin. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi seryoso si Demon sa sinabi niya, na pain niya lang yun at kapag bumigay ako, aasarin at pagtitripan na naman ako. Though 99% of me ay umaasang totoo at seryoso siya sa sinabi niya. Ang sarap sa feeling na marinig ko ang mga salitang yun mula sa kanya ngunit ginigising ako ng 1% na natitira sa katotohanan. Si Keyr Demoneir yan. Never kang magugustuhan. At isa pa, hindi ako bagay sa kanya.
Ilang minuto na atang walang umiimik sa'min. Nakatingin lang ako sa kawalan habang siya ramdam kong saakin nakatingin.
"So wala ka pa ring first kiss?" Sa wakas at nagsalita na ulit siya.
"Boyfriend nga wala pa eh. First kiss pa kaya?"
Paglingon ko sa kanya, nagyari ang bagay na hindi ko inaasahan. Yung mga bagay na nababasa ko lang sa romance novels like, butterfly on tummy, jelly-o knees, lahat. Including the imaginary sparks na pumapalibot sa inyo.
Nangyari ang masaya at nakakilig na bagay na yan sa isang iglap lang nang halikan niya ko, sa lips. Napakabilis na pangyayari pero talagang nagpabagal ng mundo ko.
"Ayan, may first kiss ka na."
Nang bumalik sa normal rotation ang mundo ko, nalaman ko nalang na tumatakbo na siya sa malayo. Bigla akong natauhan. Nakakilig man isipin, NINAKAW NIYA PA RIN ANG FIRST KISS KO!
"ARGH! DEMON, BUMALIK KA NGA DITO! BAKIT MO GINAWA YUN?!" sigaw ko at nagpapadyak.
Nasa may kalayuan man, tanaw ko pa rin siya. Tanaw na tanaw ko ang pagtawa niya. Grr! Tuwang-tuwa pa talaga siya sa ginawa niya, huh?
"BAKA MAUNAHAN PA KO NG IBA EH!" pasigaw na sagot niya upang marinig ko.
Tumakbo pa siya ng tumakbo hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Lokong yun ah! Matapos nakawin first ko tatakbuhan lang ako?
But infairness, natuwa ako. Hindi dahil sa kiss ah! Kundi dahil sa inasta niya. Kung tumakbo siya parang bumaligtad ang mundo ngayon. Parang sa'kin na siya natatakot. Mwehehehe~ Naging matapang din kahit ngayong gabi lang.
Tumayo ako at naglakad ng may ngiti sa labi. Dati kasama ako ni Angelo sa nandidiri sa mga nakikita naming nagki-kiss (sa personal). Yung PDA. Palibhasa kasi hindi pa namin na-e-experience ang kiss. Pero ngayong na-experience ko na, ganito pala yung feeling?
Sobrang saya. Yung tipong wala ka ng pakialam sa sasabihin ng iba kung sakaling makita man nila dahil sa nag-uumapaw na saya. Ang soft ng lips ni Demon kahit hard words ang lumalabas sa bibig niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/20988972-288-k172035.jpg)
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Genç KurguThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...