My Demon [Ch. 37]
Keyr Demoneir's Point Of View
"Kuya, si Soyu?" bungad sa'kin ni Khaisler pagkarating ko sa living room. Nakaupo siya sa settee habang nanonood ng TV at may popcorn in bowl na nasa lap niya. "Atsaka, himala, ang aga mo umuwi."
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong binagsak ang sarili ko sa kama. Pumikit ako at hinilot ang sentido kong kanina pa sumasakit dahil sa kakaisip.
Kamusta na kaya siya? Nasugatan kaya siya? I didn't mean na matulak siya. Argh! Nakakaasar! Ayokong nadadapa siya pero ako ang may dahilan ng pagkadapa niya kanina. Gusto kong ako lang ang tutulong at sasalo sa kanya tuwing madadapa siya pero si Johan ang gumawa kanina. Umpisa palang 'to, hirap na hirap na ako.
Paano nalang yun? Nilalayuan ko siya para sa safety niya, pero parang nilalapit ko rin siya sa kaaway ko─ sa karibal ko. Ganun din, talo pa rin ako.
Aish! Hindi ko na alam! At mas lalong hindi ko alam kung paano ako napasunod ng baklang kaibigan ni Soyu. Bakit ko nga ba sinusunod ang payo ng baklang yun, ha?!
Makapagbihis na nga lang muna.
Bumangon ako at hinubad ang polo ko, naglakad papunta sa walk-in closet at kumuha ng damit. Hindi pa ko nakakapagbihis, tumunog na ang phone ko. Di ko pa sana muna papansinin pero parang may kung anong tumutulak sa'kin na buksan ang message.
Sinampay ko muna sa balikat ko ang black shirt na kinuha ko sa walk-in closet at nilabas ang phone ko mula sa bulsa ng pants ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ng MMS, natigilan ako sa picture na naka-attach.
"Shit!" I cursed under my breath. Binulsa ko uli ang phone ko, nagmadaling magbihis at agad na lumabas ng kwarto ko. Halos talunin ko na ang second floor pababa sa sobrang pagmamadali.
"Kuya, san ka pupunta?" tanong ni Khaisler at ramdam kong sinusundan niya ko ng tingin. Again, hindi ko siya sinagot.
Nagdire-diretso lang ako papunta kung saan ko pinarada ang motorbike ko. Damn! Nangyari na ang kinatatakutan ko.
Pagka-start ko ng engine, pinaharurot ko na ang motor ko. Mabilis ang pagpapatakbo ko, wala na kong pakialam kung mahuli man ako. Basta kailangan kong mapuntahan agad-agad ang adress na nakalagay sa MMS.
Humanda sila! Humanda talaga ang kung sino mang gumawa nun kay Soyu!
***
"Soyu," mahinang banggit ko sa pangalan niya.
Kung kanina nanghina ako nang makita ko ang picture niyang nakahiga sa sahig at walang malay, mas nanghihina ako ngayon na makita siya sa ganyang sitwasyon nang harapan.
For the eighteen years of my existence, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng panghihina sa katawan. Yung gustong-gusto mong kumilos pero hindi mo magawa dahil nanginginig ang mga tuhod mo.
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Teen FictionThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...