Ch. 14

9.5K 252 7
                                    

My Demon [Ch. 14]

Keyr Demoneir's Point Of View

"Okay, Physics na tayo," sabi ng tutor kong kulot at sinara ang El Fili na libro. Kinuha nya ang Physics book na nakapatong sa desk sa tapat namin at binuklat, malamang.

Ako naman, kinuha ko ang iPad na tinago ko sa gilid ng couch at naglaro. Nakaka-stress talaga mag-aral. Kakatapos lang ng Filipino tutorial namin at Physics naman daw ngayon then Trigo na pagkatapos.

Ang sakit nga sa ulo ng El Fili eh. Pati ba naman yung matandang ginoong Pasta kailangan pang kilalanin. Ano naman kung abogado sya? Nakakaasar lang. Kapag ba nag-apply ng trabaho, itatanong kung sino si Crisostomo Ibarra at kaano-ano nya si Ginoong Pasta pati si Maria Clara? At bakit din sya nagpalit sa pangalang Simon. Diba? Hindi naman yan kailangan pero bakit pinag-aaralan pa. Dadgdag sakit sa ulo lang.

"Ano bang hindi mo naiintindihan sa physics?" tanong nya. With the corner of my eye, I saw her scanning pages. "Ay, mali pala. Ano lang ba ang nalalaman mo sa physics?"

Put--- nataya na! Panira ng diskarte sa laro ang batang 'to. Minamaliit nya talaga ako, ha? Samantalang sya 'tong napakaliit. Kung hindi ko lang talaga mahal ang mommy ko, matagal ko nang ginulpi 'tong kulot na katabi ko.

"Alam mo ba ang meaning ng Physics? Ang name and symbols ng metric prefixes?"

Ang dali-dali lang nun eh. T for tera, G for giga, M for mega and so on. Gusto kong ipamukha sakanya na alam ko ang sagot sa pangalawa nyang tanong pero di na ko kumibo. Busy ako sa nilalaro ko eh.

"Ang scientific method? Laws of reflection? Eh yung mass defect and binding energy? Yung fission, alam mo ba?" sunod-sunod na tanong nya. Nakakarindi ampotek!

"Alam ko na lahat nang yan," sagot ko sakanya habang naglalaro.

"Kaya pala puro palakol ka." Palakol, ibig sabihin alam nya na puro line of seven ang grades ko. Di na ko magtataka. "Sige nga, kung alam mo talaga lahat. What is nuclear binding energy? The fission? The mass defect?"

"Aish! Tumahimik ka na nga! Pinapasakit mo ulo ko eh!" reklamo ko.

"Ang reklamador mo! Atsaka, ulo ko ang pinapasakit mo. Ang hirap-hirap mong turuan dyan."

Pinause ko muna ang nilalaro ko at hinarap sya. "Edi wag mo kong turuan. Umalis ka na nga!" Nagsimula na ulit akong maglaro nang agawin nya ang iPad sa kamay ko.

"Lintek na!" Hinawakan ko ang braso nya at hinihila-hila para makuha sa kamay nya ang iPad ko. Pag ako talaga napikon dito.

"Mamaya ka na kasi maglaro! Mag-aral ka muna," sabi nya habang nakikipagbakbakan sa'kin. Kung hindi lang 'to babae, kanina ko pa talaga pinadugo mukha nito.

"Akin na! Akin yan eh!" Tinakpan ko ang mukha nya gamit ang isa kong kamay at pilit na kinukuha ang iPad ko, pero pilt nya rin itong nilalayo.

My Demon (When Childish Meets Badboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon