My Demon [Ch. 16]
Keyr Demoneir's Point Of View
"Ano ba yan, Sir! Ang gulo gulo nyo. Aayusin nyo yung buhok nyo tapos guguluhin tapos aayusin na naman. Di ba kayo napapagod?"
"Si Kulot kasi sinabihang baduy 'tong buhok ko," sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa salamin at nag-aayos ng buhok.
Pakshet naman kasi eh! Ang cool nga ng hairstyle ko tapos lalaitin na baduy? Sino kaya ang may baduy na buhok saaming dalawa? Oo, unique ang buhok nya kompara sa mga natural na buhok, pero kahit na! Sya pa rin ang baduy at hindi ang buhok ko! Supalpal ko sakanya 'tong buhok ko eh.
"Ah, ganun po ba?"
"Oo--- teka nga." Nilingon ko si Sam- isa sa mga katulong namin- na nakatayo sa pinto. Nakahawak pa sya sa doorknob. "Sinabi ko bang pakelaman mo ko, ha?!" I belted out over my shoulder.
"Hindi po."
"Atsaka, bakit hindi ka kumakatok?"
"Kanina pa po ako kumakatok, Sir. Natakot lang po ako na baka may kung anong katarantaduhan kayong ginagawa kaya binuksan ko na po ang pinto."
Tinalikuran ko na nang tuluyan ang salamin para harapin sya ng maayos. "Anong sinabi mo?!"
"Wala po, Sir. Pinabababa na po kayo ng daddy nyo para sabay sabay daw po kayong mag-dinner." Nag-bow muna sya bago sinara ang pinto at umalis.
Loko yun ah! But anyway, halos tatlong taon ng nagta-trabaho dito sa'min yun si Sam. Hindi naman sya hirap sa buhay. In fact, may kaya ang pamilya nya at may negosyo sila na pwede nyang pagkaabalahan kaysa manilbihan sa'min. Pero mas pinili nyang magtrabaho bilang katulong. Sa pagiging katulong daw kasi kadalasan nakakahanap ng lovelife ang mga babae. Gaya nalang sa Be Careful With My heart, Got To Believe at kung sa kung anong pelikula pa yan.
Tch. Stupid! Asa naman sya na makakahanap sya ng lovelife sa'ming magkakapatid.
Pagkatapos na pagkatapos ng dinner, agad akong umalis ng bahay at dumiretso sa salon. Di ko na pinansin ang rants ni daddy habang naglalakad ako palabas ng bahay. Daig pa nya si mommy kung magbunganga.
Wala naman akong naka-schedule na laban ngayon kaya maaga akong makakauwi.
Nagpa-dyed lang ako ng buhok. Cool na nga kasi ang haircut ko. At... teka nga! Bakit nga ba ko nagpapa-apekto sa sinabi ng kulot na yun? Wala lang yun malait sa'kin kaya buhok ko ang pinag-interisan. Tsk!
Tumingin muna ako sa malaking salamin ng salon bago umalis. Hindi na ko nagbayad dahil kaibigan ni mommy ang may-ari nito at kilala ako dito. Ilang beses na kasi akong nakapunta dito kapag pinipilit ako ni mommy na samahan syang mag-shopping. May mga tauhan naman sya ako pa ang ginagawang tagabitbit. But I really love my mom. Same with my dad, hindi ko lang masyadong pinapakita gaya ng kay mommy dahil tuwang-tuwa akong makita ang yamot na yamot na pagmumukha ng tatay ko. Haha!

BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Roman pour AdolescentsThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...