My Demon [Ch. 53]
Friday na ngayon, uuwi na ulit si Mama sa linggo. Wala lang. Sinabi ko lang. Hehehe.
Naglalakad nga pala ako papunta sa library. Oops! Hindi ako nag-iisa. May kasama ako, si Johan. Si Angelo kasi ay busy dahil sa lunes na ang start ng one week school fair. Nagkataon naman na may gagawin din pala si Johan sa library kaya nagsabay nalang kaming magpunta.
"Di ka ba nabibigatan sa bag mo?" tanong ni Johan habang kami ay naglalakad.
"Hindi naman. Bakit?" Pero sa totoo lang medyo nabibigatan ako sa bag ko. Nasa loob kasi nito ang tatlo kong workbook. Makakalimutin kasi akong nilalang kaya para makasiguro na hindi ko maiiwan sa kung saan yung workbook ko, sa bag ko sila lahat nilalagay. Hindi ko binibitbit.
"Wala lang. Concern lang ako."
"Huh?" I looked up to him habang naglalakad pa rin.
"Baka di ka na lumaki dahil dyan." He laughed.
Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Johan naman eh! Para kang si ano . . ." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
Pisti. Dahil ba sa lagi kaming magkasama, siya na rin lagi ang naiisip ko? Nakakainis talaga siya! Hindi lang ako ginugulo physically, mentally pa.
"Sino?" curious na tanong ni Johan.
"Ah, wala."
"Akin na yan," aniya.
"Yung alin?"
Tumingin siya saglit sa likod ko. "Yang bag mo."
"Bakit?"
Hindi niya pinansin ang tanong ko, huminto siya sa paglalakad.
Huminto din ako.
Pinahawak niya sa'kin yung mga librong dala-dala niya tapos kinuha yung bag ko. Kahit anong sabi ko, hindi siya nakikinig.
"Ako na magdadala nito. Ikaw nalang magdala niyan," he declared smiling.
Nagsimula na uli siyang maglakad kaya naglakad na uli ako. Habang naglalakad, nakatitig ako sa kanya.
Bakit kaya ganun? Siya ang ideal guy ko pero bakit mas lamang ang nararamdaman ko para kay Demon na opposite ng ideal guy ko?
Gusto ko ng lalaking mala-angel-sent from-above at hindi ng lalaking bad boy, pero bakit yung pangalawa ang mas gusto ko? Totoo nga ba talaga ang "The more you hate, the more you love"?
Parang hindi rin. Kasi sa version ko, "Hate first, Love later". Tapos meron pang, "The more I denied my feelings, the more it grew deeper".
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Novela JuvenilThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...