Ch. 62

6.4K 206 15
                                    

My Demon [Ch. 62]

Nagfi-Facebook ako sa phone nang i-chat ako ni Demon. Bigla akong ginanahan. Kanina kasi puro scroll down lang ako sa News Feed.

Keyr Demoneir Fuentalez: Hey!

Soyunique Sarmiento: Yow.

Keyr Demoneir Fuentalez: Malapit na birthday ko.

                                                       typing...

 

Oo nga pala. Next week na ang birthday niya. Ilang gabi ko na ring pinag-iisipan kung paano ko siya sasagutin. Waaah! Hindi naman ako ang celebrant pero bakit ganito ako kabahan? Siguro dahil sa for once, may sasagutin na ako bilang boyfriend ko. Magiging . . . magiging boyfriend ko na si Demon.

I wanna be honest kaya aaminin ko na every night ko ring ini-imagine what would it be like to have a not-so-notorious and sexily handsome boyfriend, and what would I be like as his girlfriend.

Keyr Demoneir Fuentalez: Wag kang mawawala or else....!!!

Talagang hindi ako mawawala sa birthday mo.

Soyunique Sarmiento: Opo. Takot ko lang sa'yo. Hahaha

Keyr Demoneir Fuentalez: ;)

Soyunique Sarmiento: Advance happy birthday, Sexily Handsome!

Keyr Demoneir Fuentalez: <3

Soyunique Sarmiento: Puro ka emoticon -_-

Keyr Demoneir Fuentalez: :P

Magta-type pa sana ako ng message kaso lumabas ang typing... after his name kaya hinintay ko ang kasunod na sasabihin niya. Sa chat.

Keyr Demoneir Fuentalez: May picture na pala tayong dalawa.

Soyunique Sarmiento: Wala kaya.

Keyr Demoneir Fuentalez: Meron. Ako pa nga ang may hawak.

Soyunique Sarmiento: Weh? Wala naman akong natatandaan na nag-picture tayong dalawa.

Seen 8:25pm

 

Umabot ng halos limang minuto bago siya nag-reply.

Keyr Demoneir Fuentalez: Tingnan mo wall ko.

Soyunique Sarmiento: Bakit?

Keyr Demoneir Fuentalez: Basta tingnan mo nalang!!

My Demon (When Childish Meets Badboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon