My Demon [Ch. 49]
Monday na ngayon, means may pasok sa school. After kong maligo, nag-breakfast na ko. Pagkatapos kong hugasan ang pinagkainan ko at magtoothbrush, sinilip ko yung apartment ni Demon.
Anong oras na pero mukhang naghihilik pa siya. Nasa labas kasi si Sam at yung family chef nila. Hindi sila makapasok sa loob kahit na katiwala sila ng parents ni Demon dahil natatakot silang masinghalan.
Lumabas ako ng bahay at nilapitan sila.
"Gising na po ba si Demon?" tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot.
"Hindi pa eh. Tanghali talaga magising yun si Sir Keyr kahit doon palang sa bahay nila," si Sam ang sumagot.
Nginitian ako ni Kuyang Chef. I smiled back.
"Pwede bang ikaw na ang gumising sa amo ko? Straight naman ang buhok mo ngayon e," paghingi ng pabor ni Sam na sinamahan pa ng biro.
"Ah, sige."
"Iba talaga ang treatment sa'yo ng amo kong palaging mainit ang ulo."
"Anong iba? Kung alam mo lang po ang pinagdadaanan ko sa lalaking yun. Immune na po kasi ako sa kasungitan nun kaya ganun."
Tumango siya pero binibigyan ako ng kakaibang ngiti.
Pumasok na ko sa apartment ni Demon, diretso sa kwarto.
Aba, ang lolo niyo ang sarap pa rin ng tulog. No wonder kung bakit late comer siya sa school. He's not a morning person, I see.
Iniwan kong nakabukas ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto. Paglapit ko sa kanya, di ko na naman maiwasang ngumiti. Ang sarap niyang pagmasdan matulog. Mukha siyang anghel. Napakainosente. Di tulad kapag gising niya. Akala mo kung sinong nasa menopausal stage na mabilis mag-init ang ulo. Ang sungit sungit!
I ran my hand through his soft hair. "Demon, gising. Tanghali na."
"Hmm."
"Demon, gising na nga! Bahala ka kapag na-late ka," banta ko sa kanya. Sinimulan ko na siyang tapik-tapikin sa pisngi.
Umungol siya ulit ng mahina.
"Demon, gising na!"
Di na ko nakatiis, hinawakan ko na siya sa magkabilang balikat at niyugyog siya. "Gising, gising!"
Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakapikit pa rin. Hinawakan ang mga kamay kong nasa balikat niya tapos hinila ako pahiga. Nakatayo ako sa gilid ng kama niya kaya naman nung hinila niya ako, napadagan ang half-body ko sa kanya.
Kasabay ng pagkagulat ko ang pamumula ng aking mga pisngi.
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Roman pour AdolescentsThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...