My Demon [Ch. 31]
"Ayun sila! Sugooood!"
May anim na lalaki ang paparating─ or shall I say, sumusugod. May dalang kahoy ang dalawa sa kanila. Nung nakalapit sila sa pwesto ko, hindi ko alam kung anong ilag ang gagawin ko. Ang bilis nilang tumakbo, at parang hindi ako nag-e-exist: hindi nila ako napapansin.
Ang dami na nila. Kung kanina mga sampu lang sila, ngayon more than fifteen na.
Uh, ano bang pwedeng gawin habang nanonood ng street fight? Wala naman pwedeng upuan dito.
Hinanap ng mga mata ko si Demon. Ayun! Tatlo-tatlo ang kalaban. Galing galing talaga! Idol ko na talaga siya pagdating sa ganitong bagay. Ang cool niya makipaglaban. Nakakadagdag sa angas-look niya.
May humarang na dalawang nagsusuntukan sa tapat ko kaya nawala sa paningin ko si Demon. Agaw eksena lang. Tumingkayad ako ngunit sadyang ang tangkad ng dalawang nakaharang, kaya tumalon nalang ako. Yun nga lang, wala na si Demon kung nasaan siya kanina.
Bukod sa dalawang lalaki na nagbubugbugan sa harapan ko, meron pa pala sa gilid ko. Sinipa nung lalaki ang kalaban niya ng malakas kaya tumalsik sa'kin yung lalaki.
Napasigaw ako nung nasalo ko ang bigat nung lalaki at na-a-out-of-balance. Akala ko talaga babagsak na ang ulo ko sa lupa pero may agad na sumalo sa bewang ko.
"Demon," ang tanging lumabas sa bibig ko. Naka-bend pa ang likod ko. Sa posisyon namin ngayon para kaming nagsayaw ng ballroom dance at ito ang pinaka-closing part.
Matapos nang sandaling titigan, mabilis niya kong tinayo at halos tinulak sa wall.
"Diba sabi ko sa'yo wag kang aalis?!" Ang lapit-lapit niya sa'kin. Para kong nalalasing sa bango niya.
"Eh kasi . . ." I tried to say some explanation pero nakita ko ang lalaking papasugod. "Sa likod mo!" Pagkasabi ko nun, tumalikod sa'kin si Demon at nakipagsuntukan at sipaan sa lalaki.
Hindi siya umalis sa unahan ko. Pinapatulan niya lang ang kung sino mang magtakang sumugod sa kanya. Nasa corner kami at para siyang shield na nagpoprotekta sa'kin.
May panibagong lumapit sa kanya. Umamba ng suntok ang lalaki pero nakaiwas si Demon.
"Yuko!"
Yumuko ako at iniwasan ang kamaong tatama sa mukha ko. Siyempre nung umiwas si Demon, sa'kin sasakto ang suntok. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko. Hehe.
May lumapit na naman. This time, may dalang kahoy. Hinablot ni Demon ang kamay ko mula sa likuran nang hindi lumilingon. Umabante siya kaya napaabante rin ako. Sipa. Suntok. Sipa. Suntok. Sa bawat pag-abante at pag-atras niya, napapasama ko. Hindi niya ko nilalayo sakanya.
Sa mga nakalaban ata ni Demon, ito ang pinakamatibay at malakas. Yung iba kasi agad napapatumba ni Demon pero siya hindi. Natatamaan niya pa nga si Demon na hindi nagagawa nung iba.
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Novela JuvenilThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...