My Demon [Ch. 12]
This chapter is dedicated to Fearl012. She loves Soyu of SISTAR, too! Aww! Magkakasundo tayo nyan ng sobra, ate :D Thank you for reading MD and loving Soyu! Muah :*
"Babes, papasok ka na?" tanong sa'kin ni Phul, kapit-bahay namin. "Babes" ang tawag nya sa'kin, pero hindi ibig sabihin nun na nililigawan nya ko at mas lalong boyfriend ko sya. Lagot sya sa papa ko! Wala lang. Trip nya lang iyon itawag sa'kin.
"Hindi pa. Inaantay ko pang dumating ang anghel eh," sagot ko sakanya. Obviously, si Angelo slash Angel ang tinutukoy ko.
Nasa tindahan ako at ako muna ang nagbabantay habang inaantay si Angel. Si mama kasi may ginagawa sa kusina. Nga pala, madalas tambay sa tapat ng bahay namin si Phul. Nag-stop na sya sa pag-aaral at nagtatrabaho na sya bilang tambay sa umaga at gabi. Wag pong tularan, utang na loob.
Ano ang itsura nya? Change topic.
Bumili sya ng soft drinks. Pagkabigay ko sakanya, umupo sya sa mahabang upuan na gawa sa kahoy sa harap ng sari-sari store namin at nagtext. Ayos din sya eno. Hayahay sa buhay.
Maya-maya lang, dumating na si Angel. Nagpaalam na kami kay mama atsaka umalis. Habang nasa biyahe, si Demon na naman ang topic namin gaya kahapon.
"Ang daya naman. Matalino rin naman ako pero bakit ikaw pa ang pinili? Pareho naman tayong maria clara ah!" Natawa nalang ako sa sinabi nya.
Kahapon pa sya naglalabas ng hinanakit matapos kong i-kwento sakanya ang tungkol sa pagiging personal tutor ko kay Demon. And yes, marami ang nainggit especially yung mga classmates kong babae. Actually, hindi ko pa iyon nasasabi sakanila. Nalaman lang nila ng sumigaw si Angel ng, "HUWAT? Magiging personal tutor ka ni Keyr? Palagi kayong magkakasama? OMG. I'm gonna die!". Ang OA lang nya. Dyan ako nahawa ng ka-OAyan eh. Matapos nyang sabihin este isigaw iyon, nagsilapitan ang mga classmates kong babae at inintriga ako. I'm soo lucky daw. Ganyan ganyan. Ganun ganun. Nawiwirduhan na talaga ako sa kanila. Ano bang meron sa Demon na yun at kinahuhumalingan nila ng lubos? Tss.
Nasabi ko na rin sa parents ko ang tungkol sa tutorial. Yun nga lang, hindi ko sinabi na demonyo ang tuturuan ko.
Habang naglalakad kami ni Angel patungo sa classroom, nagsalita sya. "Ay teka, girl." Huminto sya sa paglalakad kaya naman pati ako huminto.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
"May cellphone ka na, diba?"
I nodded. Nagka-cellphone ako dahil binigyan ako ni tito Romeo (feel na feel lang ang pagtawag ng tito?). Ayoko pa ngang tanggapin kasi nakakahiya talaga. Si Angel nga ilang beses na kong in-offeran na pahihiramin ng cellphone at sinabi nyang kahit wala ng balikan pero tumatanggi ako. Nakakahiya kasi. Mahiyain pa naman akong nilalang (ows?). But tito Romeo insited. Makakatulong daw yun kapag may kalokohang gagawin si Demon, kaya tinanggap ko na. For my own safety na rin. Charing!
"Anong number mo? Ilalagay ko sa contacts ko." Nilabas nya ang cellphone nya at nagtouch touch sa screen. "Oh." He reached out his phone.
Kinuha ko naman yun at tinitigan. Napakamot nalang ako ng ulo sabay sabing, "Hehe. Hindi ko alam yung number eh. Binigay kasi sa'kin ni tito Romeo may sim card na."
"Feel na feel mo ang pagtawag ng tito sa daddy ng bebe Keyr ko, ah! Hmp." Inirapan nya ko ng pabiro. "Pwede mo namang malaman dyan sa cellphone mo kung anong number mo, then i-memorize mo para kapag may Fafa na manghingi ng digits mo, may maibibigay ka. Naku ka talagang, kulowts ka!" Umarte sya na sasabunutan ako. Eksena talaga ng baklang ito.
"Hindi ko alam kung saan makikita eh." Nag-pout ako. Nakalimutan ata sa'kin ituro yun ni tito Romeo.
"Ano ba yan, Sistar! Matalino ka nga, may pagka-shunga naman. Akin na nga yung cellphone mo. Isi-save ko number ko."
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Teen FictionThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...