My Demon [EPILOGUE]
"Congratulations, graduates!"
Nagtayuan ang lahat pagkatapos ng anunsyong iyon at nagpalakpakan. Hindi maipinta ang mga ngiti ng mga taong narito. Mapa-estudyante man, mga guro, mga magulang at maging ng mga bisita.
Nilapitan ako ni Johan at cinongratulate ako. Sakto nasa tabi ko si Mama kaya kinunan niya kaming dalawa.
"Pahingi ako ng copy, ah?" nakangiting sabi ni Johan.
"Oo naman."
Si Angelo naman ang sumunod na sumugod. Ginawa pa niyang photographer ang nanay ko, na tatawa-tawa lang. Nagpa-picture siya kasama si Johan. Nakayakap pa siya dito. Pagkatapos, kaming tatlo. Si Johan ang ginitna ni Angelo kasi siya lang daw ang naiiba. Siya lang daw ang lalaki sa'ming tatlo.
"Picturan ko kayo, Tita," suhestyon ni Johan.
Binigay sa kanya ni Mama ang camera. Paglapit sa'kin ni Mama, sinabit ko sa leeg niya ang pinakamalaking medalya sa limang natanggap ko. Niyakap ako ni Mama saka kami pinicturan ni Johan. Hindi natinag si Angelo, nag-request pa siya ng isang shot na kaming tatlo nila Mama ang magkakasama. Nakayakap kaming dalawa ni Angelo kay Mama.
Nagsilapitan ang mga classmates ko at binati rin ako. Nagpasalamat ako sa kanila at nag-excuse dahil may pupuntahan ako. Iniwan ko sila doon na masayang nagkwekwentuhan. Naglakad-lakad ako at hinahanap si Demon. Ang boyfriend ko. Hihihi. Hindi ko talaga maiwasang kiligin everytime na nababanggit kong boyfriend ko na siya. Mentally man o spokable.
Patingin-tingin ako sa paligid kaya hindi ko napansin na may nakasalubong akong tao. Nabunggo ko ang balikat niya.
"Darn. Ang liit mo talaga. Ang hirap mong hanapin," insulto pa niya.
Hindi ko na pala kailangan pang hanapin ang taong hinahanap ko. Dahil kusa siyang dumating.
"Congrats, Demon!" Niyakap ko siya. May narinig akong tunog ng flash kaya napatingin ako sa gilid.
Si Khaisler, may dalang camera. Naka-poker face pa siya na halatang napipilitan lang sa ginagawang pagkuha saamin ng litrato.
Tumingala ako kay Demon. Nakangisi lang siya habang mahinang natatawa dahil sa itsura ng kapatid niya.
"Nasaan si Mama? Kanina pa siya hinahanap ni Mommy."
Ayeee! Mama na din ang tawag niya sa mama ko. Hihi. Ano ba 'to. Sobrang saya lang. Oo nga pala, doon kami magce-celebrate sa mansyon nila. Gusto pa nga ni Tito Romeo sa labas mag-celebrate, kaso dahil likas na mapamahiin ang parehong nanay namin ni Demon, tumutol ang mga ito. Delikado daw kasi kaka-graduate palang namin. Lapitin daw sa disgrasya. Magulang ni Demon ang nagplano tungkol dito: na pag-isahin nalang ang graduation celebration naming dalawa ni Demon . . . since kami na daw. Hihihi. Ano ba! Nag-iinit ang pisngi ko ha.
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Novela JuvenilThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...