My Demon [Ch. 69]
Naglalakad ako sa hallway sa building ng seniors sa fifth floor. Kasi naman mga dalawang linggo ko ng hindi nakikita si Demon. Gusto ko siyang makita. Miss na miss ko na siya. Yung mga asaran, kulitan at maging yung mga awayan namin. Lahat yun namimiss ko na.
Gaya ng madalas, kapag may gagawing importante si Angelo sa Student Council Office, naglilibot-libot ako habang hinihintay siya.
At ngayon, pabalik-balik ako dito sa fifth floor kasi nagbabakasakali ako na makikita ko siya. Bakit ba kasi hindi ko siya nakikita dito sa campus ng ilang araw? Hindi ba siya pumapasok? O baka naman ayaw niya lang magpakita sa'kin.
Tuwing nasa Cafeteria kami, palagi akong tumitingin sa pwesto nila ni Ployj. Pero palagi siyang wala, si Ployj lang ang kumakain doon mag-isa. Naman eh! Nagpapamiss na naman ba ang lalaking yun? If so, it's working. Really working.
"AAAH!" Napatili ako nang mapatid ako. Nadapa ako sa floor.
"Serves you right!" sabi ng babaeng pumatid sa'kin.
Kahit masakit ang tuhod ko pinilit kong tumayo para harapin siya.
"Jia, may problema ka ba sa'kin?"
Yes, si Jia ang babaeng pumatid sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya rito e mukhang hindi naman pumasok si Demon ngayon. At hindi ko rin maintindihan kung bakit inis siya sa'kin.
"Problem?" she uttered, brow arching. "You are fortunate Keyr likes you, but he's unfortunate for liking you. And that's the problem."
My vexation melt. Tama siya. Swerte ako kay Demon, pero hindi siya swerte sa'kin. Alam ko na yun. Kaya nga iniiwasan ko siya. Kasi magiging he's fortunate ang phrase kapag kay Jia siya napunta.
"Bakit kasi ikaw pa ang nagustuhan niya?" demand pa niya. "Hindi ka maganda para sa kanya! Alam mo ba kung anong ginawa mo sa kanya? Hindi na siya pumapasok sa school. And you know what's worst? Natuto siyang uminom, manigarilyo at tumambay sa bar!"
Nagkaroon ng awang sa labi ko. Shock, worried and guilt. Kaya pala nung isang beses na pumunta si Tita Juliet sa bahay at seryosong nakipag-usap kay Mama, narinig ko siyang umiyak. Nasa kwarto ako nun habang sila ay nasa sala. Ganun pa man, hindi ako sinumbatan at pinagalitan ng mag-asawa.
Oo, mahilig siyang magkipag-away. Pero alam ko naman na hindi siya ang nauuna. Tinatanggap niya lang ang mga naghahamon sa kanya ng away. Unless, may ginawa ka na hindi niya nagustuhan.
Subalit ang uminom at manigarilyo? Never ko pa siyang nakitang gumawa nun, and I can't imagine him doing that bad habbits.
"Ikaw ang mas gusto niya," ang lumabas sa bibig ko.
"Sana nga," aniya. "How I wish na hanggang ngayon ako pa rin ang gusto niya." Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago ako iniwang nakatulala at malalim na nag-iisip.

BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
TeenfikceThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...