Ch. 18

9.7K 267 5
                                    

My Demon [Ch. 18]

Dedicated to April Ann OcampoTBH, tinatamad na kong magsulat ng stories. Ewan ko ba, parang wala ako palagi sa mood. Along this girl send me a message on Facebook. Natuwa talaga ako kasi talagang na-a-appreciate niya itong MDWCMBB. At ito pa, pinaalala niya sa'kin si Sam. Nakakatawa daw dahil kung makapagsabi kay Demon na baka kung anong katarantaduhan ang ginagawa eh feeling niya close sila. I was like, "may Sam po ba sa My Demon?". And then pinaalala niya na si Sam ang katulong nila Demon na nangangarap magka-lovelife. Aww! So sweet! Nakalimutan ko na Sam pala ang pangalan nun. Partida ako pa ang author ah! Hahaha, ganyan ang magaling na reader tho silent reader ka po :) Thank you po talaga! Dahil sa'yo na-inspire akong ipagpatuloy ang story na ito. God bless ♥

PS: Sorry kung ang haba ng note ko hihi ^__^

♥ ♥ ♥

 

Sa mall ako dinala ni Demon. Ang kapal lang ng face. Matapos akong kaladkarin at isamang mag-ditch, iniiwan-iwanan lang ako. Sa bilis nyang maglakad, parang hindi kami magkasama at lalong parang hindi kami magkakilala. Nauuna syang maglakad habang ako halos mag-half run na para makahabol lang sakanya.

Hindi ko naman magawang tumakas at umalis nalang dahil alam kong kukulangin ang pera ko para pamasahe. Tawagan ko kaya si tito Romeo at isumbong ko ang kalokohan na naman ng anak nya?

Nah, baka makaistorbo lang ako. Busy kasi yun sa business nila and besides, baka awayin ako ni Demon. Alam nyo naman ugali ng nilalang na yun.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa bulsa ng skirt ko kaya naman habang naglalakad ng mabilis, nilabas ko iyon at in-accept ang tawag ni Angelo bago dinikit sa tenga ko.

Just in time! Hihingi nalang ako ng tulong sakanya na makaalis dito sa mall. Tutal, parang hindi rin naman ako kasama ni Demon eh.

"Ey, Soyu? Nasaang lupalop ka na ba, huh? Kanina pa ko tawag ng tawag sa'yo."

"Angel, sorry hindi na ko nakapagpaalam sa'yo. Bukas na ko papasok. Kasi naman si---" Hindi pa ko tapos magsalita, nagsalita muli si Angelo.

Hindi ko naman syang masabihan na "bastos" dahil ganito ang sinabi nya:

"Gaga ka, Soyu! Hinahanap ka ni Johan kanina. Ayiiee! Keleg pepi ka, noh?"

"Oh?! Talaga? Baka hindi ah!" exagge at kinikilig na paninigurado ko. Binagalan ko ang paglalakad ko at napangiti ng wagas.

Hinahanap daw ako ng crush ko. Hihi!

"Oo. Teka, tawagin ko."

"Dali!" tuwang-tuwang utos ko sakanya.

Ang ingay ng background. Malamang walang teacher kaya nagkakasiyahan na naman sila. Pero si Johan. Hihi! Hindi ko sya nakita ngayong araw at miss ko na agad ang smile nya na nakakatunaw ng puso ko. Hoho. Korno!

My Demon (When Childish Meets Badboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon