I just wanna say Hi to my friend Angel Wendica Arellano (I miss u sooo much!) and to her friend, Hazel Faith Ablong. *kaway kaway* Salamat sa pagiging reader ko. Hihi. Natawa talaga ako dun sa sinabi ni Angel na, "uyy kelan mo ilalabas yung book 3. naglalaway na kmi ng kaklase ko dito". Naglalaway talaga? Hahaha. Love you girls! Muah :*
------------------------------------------------------
My Demon [Ch. 48]
"Pabili nga. Yung tindera."
Sinimangutan ko si Demon.
Hapon na at nagbabantay ako sa tindahan namin habang kumakain ng kanin: ulam ang bear brand powder milk na nasa bowl. Ang sarap kaya. Try niyo.
"Alis. Dyan ako," paniniga ni Demon kay Phul.
Kanina pa ito nakatambay diyan habang nagtetext. Napaka talaga ng lalaking ito! Hindi siya taga rito pero naniniga pa rin.
"Pinapaalis mo ba ko, ha?" Matapang na tumayo si Phul at nilabanan ang maangas na postura ni Demon.
"Phul, kung ako sa'yo magpaubaya ka nalang."
"Hindi pwede, Babes. Matagal na kong tambay dito sa tapat ng tindahan niyo," sagot ni Phul habang nakikipagtitigan ng masama kay Demon.
Parang mananalo ka naman diyan kay Demon.
"Anong tinawag mo sa kanya?" Humakbang si Demon papunta kay Phul.
Natawa ako habang pinapanood silang dalawa. Pati ba naman kasi upuan pinag-aawayan nila. Pwede naman silang magtabi. Mahaba naman yung upuan at kasyang-kasya sila.
"Phul, magpaubaya ka na. Para sa ikabubuti mo ang sinasabi ko sa'yo."
Hindi ko alam kung narinig ba ako ni Phul. Hindi siya sumagot. Nakikipagtinginan lang siya ng masama kay Demon.
Humakbang din palapit si Phul kay Demon. Ang lapit na nila sa isa't-isa. Yung tipong kapag lumabas ako at may itulak na isa sa kanila, maaring magdampi ang mga labi nila. Eww!
Magkasingtakad sila. Payat lang si Phul samantalang si Demon, well...
Ang buong akala ko makikipagmatigasan si Phul kay Demon. Kaso...
"Pare, nagpapaubaya na ako. Umupo ka na." Nilingon pa niya yung mahabang upuan na gawa sa kahoy kung saan siya nakaupo kanina habang naka-stretch ang kanang braso niya paturo sa direskyon nun.
Umalis na si Phul.
Si Demon naman nung tumingin ako sa kanya, nakatingin din sa'kin. Nag-tss siya tapos umalis din.
Nakita niyo na yung lalaking yun? Pinaalis-alis si Phul hindi naman niya gagamitin yung upuan. Talaga naman!
"Ang takaw-takaw di naman lumalaki."
Halos mabilaukan ako nang marinig ko ang boses ni Demon. Wala siya sa labas. Kundi nandito na sa loob ng bahay namin. At home na at home lang ang loko.
Umupo siya sa isang plastic chair paharap sa'kin.
"Hell, what kind of food is that? Is that really a food? Baka kahit hindi pagkain ginagawa mong pagkain."
Very thank goodness hindi ako lumulunok, dahil kung nagkataon malamang nasamid ako.
"Ang sama mo! Powder milk 'tong inuulam ko."
"Powder milk?" ulit niya. He looked my food with disgust. Napakaarte talaga.
"Discovery ang tawag dito. Ang sarap kaya. Try mo?"
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Novela JuvenilThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...