Ch. 77

8.8K 224 12
                                    

My Demon [Ch. 77]

(Author's Note: Sana i-play niyo po yung video sa taas ↑ habang binabasa ito para mas feel na feel niyo. Hahaha. I swear to you guys, hinding-hindi kayo magsisising pakinggan ang music na si So You pa mismo ang kumanta. Hihi. LSS ako dyan. Super. English version nga po pala ang lyrics dito, while yung video ay korean. Wala akong mahanap na eng. version ng kanta tapos si So You rin ang kumanta e. Yun lang. Hahaha. Sorry sa mahabang note.)

I refused to believe that it could be so,
There's no way that I'm in love with you,

 

 

He wasn't the typical prom date na magsasabing, "Can I have this dance?". Kinuha nalang niya basta ang mga kamay ko. Ipinulupot niya ang mga braso ko around his neck, habang ang kanya ay nasa bewang ko.

 

 

Nabanggit sa'kin noon ni Tita Juliet na hindi raw mahilig sumama si Demon sa mga prom. Hindi daw kasi ito mahilig sa sayaw. Lalo na kung ganito. Kapag may party silang pinupuntahan, anong klaseng pagpapa-cute man gawin ng mga babae makasayaw lang siya sa dance floor, nananatili itong bato. Walang pakialam.

Pero ngayon . . .

I think I love you
But it must be so, cause I miss you

Napangiti ako. Noong una kumunot ang noo niya. Nagtataka sa biglang pagngiti ko. Later on, ngumiti na rin siya.

 

"Shut the fuck up!" Napaatras ako nang sumigaw sya though hawak nya ang kwelyo ko. "Wag mo nga kong tawaging Demon! Close ba tayo, huh?"

 

"Baliw na ko kapag nakipag-close pa ko sa demonyo."

 

"Anong sabi mo?" Tinulak-hila nya ko habang nakahawak sya sa kwelyo ko. Baka masira uniform ko nito. Ang mahal pa naman ng isang set.

 

"Kasi naman eh! Bitiwan mo na ko! Gawin mo nalang akong slave with in one hour," suggest ko.

 

He was the one leading our slow and romantic dance. Habang nagsasayaw, nagpi-play sa utak ko kung ano kami noon.

But now I can see that
Your presence have delved deeply into my heart.

"Eto'ng sa'yo!" Dinikit ko ang cone na may tirang ice cream sa uniform nya. And it was too late to realize na si Demon ang kaharap ko.

 

Natawa ako. Naalala ko rin kasi kung paano lumukot ang mukha ni Demon that time na pinahiran ko siya ng ice cream sa uniform.

Tinaasan ako ng isang kilay ni Demon. Umiling lang ako. Tumango-tango naman siya saka ako hinila palapit lalo sa kanya.

My Demon (When Childish Meets Badboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon