"Hindi ka pa rin umuuwi? Anong oras na," sermon sa akin ni Johan sa kabilang linya.
Tiningnan ko siya sa screen at nakitang salubong na naman ang dalawa niyang kilay. Bumuntong-hininga nalang ako. Hindi ko naman talaga dapat sasagutin ang tawag niya kanina pero panay ang tunog ng phone ko at nadi-distract ako sa trabaho. Hindi ko naman magawang i-silent ang phone ko dahil panay ang contact sa akin ng manager ko.
"Umuwi ka na. Hayaan mong yung manager mo ang tumapos ng task niya," dagdag pa niya.
"Trabaho ko na ang ginagawa ko ngayon."
"Paano, inuna mong gawin ung gawain ng manager mo. Trabahong bayad ka lang dapat Soyu, hindi ka dapat pumapayag sa boss mong mapang-abuso. Trabaho niya, sayo ipapasa." Rinig ko ang pagkairita niya nung bumuntong-hininga siya. "I told you to work in my company instead. Don't you want to help me make my company better?"
Natigil ako sa pagtitipa. Mula sa monitor screen, nalipat ang tingin ko sakanya sa screen ng phone ko. Even though we are just video-calling, kitang kita ko na naman ang mukha niyang nagsusumamo - ang ekspresyon na palagi niyang pinapakita tuwing pinipilit niya akong magtrabaho nalang sa kompanya niya.
"Working together, we can make a significant impact and elevate the business to new heights. I genuinely believe that your contributions will play a crucial role in making our company even better. I hope you will consider this opportunity to be part of our team and contribute your talents to our shared vision. Please, Soyu?"
Hindi ko napigilang hindi matawa sa sinabi niya. Alam kong may halong pagbibiro ang sinabi niya, pero natawa talaga ako dahil napaka-propesyunal ng mga sinabi niya pero ang expression niya ay immaturely na tila isang bata na nagmamakaawang bigyan ng chocolate.
"No, Johan. You can't change my mind. That's final."
Tumahimik lang siya. Alam niya kasi sa sarili niya na may point ako.
I don't want special treatments lalo na kapag nasa trabaho. Kilala ko si Johan. Baka i-baby lang ako niyan kapag sa company niya ako nagtrabaho which would be so unfair to others.
Isa pa, masyado nang malaki ang utang na loob ko sakanya. Ayoko nang dagdagan pa. At hanggang maaari, pipilitin kong maging successful through my own hard work.
"You know I always want to stand on my own."
Ilang segundo siyang nanatiling tahimik. Nilapit niya ang camera dahilan para mas naging close up sa gwapo niyang mukha.
Si Johan... parang hindi tumatanda. Kung gaano siya ka-fresh noong highschool, ganun pa rin ngayon. Although hinahayaan niyang may kaunting mustache sa mukha niya, naroroon pa rin ang pagiging baby face. He's still has this school hearthrob looking.
"Basta sumama ka pumili ng wedding ring ha? Baka pati sa araw na 'yon, OT ka pa rin?"
Humalakhak ako. "Syempre hindi!"
Nag-usap pa kami ng ilang sandali bago ko pinatay ang video call. And the moment I did that, napatingin ako sa paligid. Patay na ang ilaw at sa cubicle ko nalang ang maliwanag dahil ako nalang ang tao maliban sa guard na nakabantay sa pintuan ng prod.
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Novela JuvenilThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...