*ONE YEAR AGO
Nagkakagulo sa rooftop ng school at lahat ng estudyante ay gustong makichismis. Marami pang mga estudayante na gustong umakyat pero may mga teacher ng pumunta sa kanila para awatin at harangan sila.
Natagpuan ang mga kagamitan ng isang babae na isang linggo na din na nawawala. Natagpuan ang bag ng babae kasama ang kanyang mga gamit at pati ang kanyang school id. Pero wala ang katawan ng babae sa naturang lugar.
Nasa taas ang mga pulis at nag-iimbestiga. Nandoon din ang mga teacher.
Maraming mga tao ang nag-uusap at nagtsitsismisan at kung ano-anong mga bagay ang sinasabi nila. May mga nagsasabi na baka narape na ang babae at pinatay. May mga nagsasabi naman na baka may nag-ekspiremento sa katawan ng babae. Habang ang iba naman ay sinasabing baka daw naglayas lang ang babae. Ngunit kahit ano pa man ang kumakalat na balita ay hindi pa din sang-ayon ang mga pulis at mga guro dahil wala pa naman talagang matibay na ebidensya na pwedeng magpatibay sa mga sabi-sabing ito.
Umalis na ang lahat sa rooftop. Umalis na din ang mga pulis. Pero may isang guro na naiwan doon at tila ba may gustong makita. Naglakad ng dahan- dahan ang guro at ialang saglit pa ay napansin nya ang isang malaking drum na mukhang luma na. Tiningnan nya ito ng mabuti.
Hindi nya nagustuhan ang amoy nito. Mabaho at parang amoy ng isang daang patay na daga. Agad syang nagtaka at kinabahan. Dahan-dahan syang lumapit sa drum na iyon.
Matapang nya na binuksan ang drum, hanggang sa mabuksan nya ito. Isang malaking karton ang nakatakip doon at nagulat ang guro sa kanyang nakita.
“Don't?” basa ng babae na may malaking katanungan sa kanyang mukha. Agad naman nyang napansin na hindi pintura ang ginamit panulat sa salitang iyon. Napag-alaman nya na dugo iyon.
Agad syang napaatras at nabitawan sa kamay ang hawak nyang karton.
Aalis na sana sya pero pagtalikod nya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha nya ito at sinagot.
“Hello.” sabi nito.
“Hello maam. Nasaan po kayo? Nagrereklamo po dito ang mga magulang ni Jasmine Fuentes. Hindi pa daw po umuuwi si Jasmine kagabi pa. Pero nakita sa room yung mga gamit nya!” alalang sabi ng nasa kabilang linya.
Agad na natulala ang guro at ibinababa agad ang phone. Humarap sya ng dahan- dahan at tinakbo ang drum.
Halos mahimatay ang guro ng makita ang dalawang putol na kamay sa loob ng drum. Naluha ang guro pero nilakasan nya ang loob na tingnan pa ang nasa loob ng drum.
Napasigaw ang guro ng makita ang isang ulo ng babae. Pugot ito at nakadilat ang mga mata. Chinopchop ang babaeng ito.
Tumakbo ang guro pababa ng rooftop. Halos madapa pa nga ito, habang nagsisigaw- sigaw.
Nanatiling tahimik ang rooftop. Ang karton na may nakasulat na “Don't” ay nilipad ng dahan-dahan hanggang sa ito ay nilipad pababa ng rooftop.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...