EHRA POV
ONE YEAR LATER..
“Ehra uuwi ka na?” tanong sa akin ni Stella.
“Hindi. Bibisitahin ko muna sila Kio sa sementeryo.” sagot ko sa kanya habang inaayos ko yung mga gamit ko.
“Sabay na tayo.” anyaya niya. Ngumiti naman ako sa kanya habang sinusuot yung bag ko.
“Sandali lang. Antayin muna natin si Luke. Susunduin niya daw ako kasi bibisita din daw siya.” sabi ko. Sumimangot si Stella.
“Eto talaga. Dapat hindi mo muna sinagot si Luke. Lagi tuloy akong third wheel sa inyong dalawa.” sabi ni Stella. Niyakap ko naman siya.
“Ano ka ba Stella. Antagal ng nanliligaw sa akin si Luke. Atsaka gusto ko din naman siya kaya bakit ko pa patatagalin.” sabi ko. Kumalas siya ng yakap sa akin.
“Sige na nga! Basta huwag mo akong kalilimutan kapag kinasal na kayo ah?” sabi niya na ikinalaki naman ng mata ko.
“Huy! Anong kasal? Matagal pa mangyayari yun. Magtatapos muna ako ng pag-aaral atsaka kaklase naman kita ah. Hindi kita malilimutan.” sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Magkaklase pa din kami ngayong G10 ni Stella. Kaklase din namin si Anthony pero hindi namin siya kasabay umuwi lagi dahil nga kung saan-saan pa kami pumupunta.
Magkaklase naman sila Luke at Pres Theo. President pa din si Pres Theo ngayon at hindi lang sa section nila kundi sa buong school. Proud ako sa kanya. Hindi pa din pala siya sinasagot ni Violet. Hindi ko alam dun kung anong trip niya at ayaw niya pang sagutin si Pres Theo.
Magkaklase naman sila Emily at Violet. Super close na sila ngayon. Para na din silang magbestfriend na hindi mapaghiwalay. Apat na pala sila. Quadro na sila. I forgot to mention na kaklase din pala nila Violet sila Eunice at Camilla. Masaya naman sila ngayon. Apat na silang super close at wala na din naman kaming balak ni Stella na dumagdag pa sa kanila. Okay lang na hindi namin sila masyadong nakakasama ang importante ay magkakaibigan pa din kami.
Hindi ko na masyadong ikukwento kung paano natagpuan sila Camilla at Eunice pero ang mahalaga ay nakaligtas sila. Mahabang istorya din kasi.
Dumating na din si Luke. Aba, may dala pang burger. Syempre alam niya namang gutom ako palagi after class.
“Para sa inyo.” nakangiting sabi ni Luke habang binibigay sa amin yung burger. Tinanggap din naman naming dalawa ni Stella. Ang kakapal talaga namin.
“Thank you! Sakto gutom na talaga ako.” sabi ni Stella habang nilamon na yung burger.
“Tara na.” anyaya ko naman. Umalis na kami. Dumiretso na kami papuntang sementeryo. Malapit-lapit nalang din naman yung sementeryo dito pero sumakay na din kami kasi sobrang init.
Nakarating naman na agad kami sa sementeryo pero bago kami pumasok ay bumili muna kami ng bulaklak at kandila. Medyo marami din yung nabili namin dahil marami talaga yung bibisitahin namin.
“Salamat po.” sabi ko habang kinukuha yung bulaklak at kandila.
“Tara na.” anyaya ni Luke. Pumasok naman agad kami sa sementeryo. Medyo malayo din pala yung nilibingan nila kay matagal pa kaming naglakad. Nagpayong nalang din kami para hindi na mainitan. Si Stella yung nagmamadaling pumunta sa puntod. Nasa ilalim sila ng lupa nakalibing kumpara yung sa mga walang pera na nakalibing lang sa parang magkakapatong. Si Mayor kasi yung nagpalibing sa kanila.
Sinindihan ni Stella yung puntod ni Kio. Sinindihan ko naman yung puntod nila Dylan at Adalyn. Si Luke na yung nagsindi ng sa iba. Pagkatapos kong sindihan yung puntod nila Adalyn ay umupo ako sa damuhan. Nasa ilalim naman kami ng puno kaya naman hindi masyadong mainit sa pwesto namin. Umupo din sa tabi ko sila Luke at Stella.
“Nakakamiss noh? Akala ko pupunta lang tayo dito kapag matanda na.” sabi ko.
“Gusto sanang balikan yung araw na magkakasama pa tayo. Yung wala pang mga away. Yung tahimik pa yung mga buhay natin.” sabi naman ni Stella. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kalangitan. Sana masaya na silang lahat. Sana lang tahimik na sila.
“Ang ganda talagang pagmasdan ng langit. Kasingganda mo Ehra.” napatingin ako kay Luke.
“Nambola nanaman siya.” sabi ko sa kanya sabay irap.
“Totoo nga. Kung para kay Theo kasingganda ng gabi si Violet. Ikaw naman kasingganda ng umaga para sa akin.” bola pa niya.
“Sus.” sabi ko. Hinawakan niya naman yung kamay ko. Sanay na ako sa pambobola ni Luke. Wala akong panahon ngayon para makipagbolahan.
“Kayo talagang dalawa puro kayo landian. Umuwi na nga tayo.” sabi sa amin ni Stella sabay tumayo na. Ngumsi ako at tumayo na din. Pero bago kami tuluyang umalis ay nagpaalam ulit kami sa mga yumao naming mga kaibigan.
“Paalam. Hanggang sa muli.” bulong ko. Aalis na sana ako ng biglang may karton na lumitaw sa harap ko. Dahan-dahan ko iyong pinulot. Ayun nanaman yung lagi naming napupulot dati. Yung karton na may nakasulat na “Don't” Pero bakit nandito nanaman siya ngayon. Hindi ko alam kung kanino at saan toh nanggaling pero sa tuwing may mapapahamak ay lumilitaw ito. Wala na akong panahon para makipaglokohan pa sa salitang ito. Itinago ko sa bag yun at tuluyan ng umalis.
Nakarating na din ako ng bahay. Dumiretso ako sa sala at naabutan ko si Kuya Ehlo na nanonood ng t.v.
“Oh bunso nandiyan ka na pala.” sabi nito sa akin.
“Nakakapagod talaga kuya.” sabi ko habang pumapasok sa loob. Hindi naman ulit siya nagsalita at tinuloy lang manood ng tv. Basketball kasi yung pinapanood niya. Hindi mo makakausap ng maayos yan kapag ganyan yung pinapanood.
Sumilip ako sa kusina. Nakita ko si mama na nagluluto ng tanghalian. Hindi ko naman na siya inistorbo at tumaas na ako sa kwarto ko. Pumasok ako sa kwarto ko at inilock ko yung pinto. Ibinagsak ko sa kama yung bag ko at kasunod ko namang ibinagsak yung katawan ko.
“Hay. Nakakapagod talaga.” bulong ko. Parang namiss ko agad itong kwarto ko. Nakatitig ako sa kisame. Pumikit ako ng saglit at dumilat. Umupo ako sa kama ko. Binuksan ko yung cellphone ko at pumunta sa Gallery. Namiss ko agad sila.
Tiningnan ko lang yung mga dati kong pic. Napahinto ako ng makita ko bigla yung picture namin last year. Natahimik ako. Parang gusto ko ulit umiyak. Buo pa kaming magkakaibigan nun. Ang saya ng mga mukha namin.
Gusto ko sanang ibalik yung saya namin dati pero.. Kahit anong gawin ko. Lumipas na ang panahon na iyon. At wala ng pag-asa para balikan pa.
Masaya na kaming mga naiwan dito. Sana lang ay masaya din sila kung nasaan sila.
Napangiti ako.
Do you have to shout just for them to hear the truth...
DON'T.........
BINABASA MO ANG
DON'T
Misteri / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...