EHRA POV
Gabi na. Madilim na yung buong paligid. Tahimik din. Tanging nga kuliglig lang ang maririnig sa buong kapaligiran. Nandito kami ngayon sa loob ng bus. Nag-stay kami dito dahil feeling namin mas safe kapag nandito kami. Sinarado din namin yung pintuan ng bus dahil nag-iingat na din kami sa anumang pwedeng mangyari.
Nakaupo ako ngayon sa bandang likuran. Katabi ko si Luke na hindi pa din nagigising. Nakapatong yung ulo niya sa balikat ko. Si Stella ay nakaupo sa tapat namin habang si Pres Theo ay nakatayo at tila ba malalim yung iniisip.
“Ano ng gagawin natin?” tanong ni Stella.
“Hindi ko alam. Hindi ko din kabisado yung buong gubat na toh, kaya hindi ko alam yung eksaktong daan palabas sa gubat.” sagot ni Pres Theo.
“Nasaan na kaya yung iba? Ligtas kaya sila?” tanong ko naman. Kanina ay chineck namin yung katawan ng mga kaklase namin. Hindi namin nakita sila Emily, Adalyn, at Dylan. Hindi ko sure kung sila lang ba or may iba pa silang kasama.
“Kailangan nating makahingi ng tulong. Hindi tayo basta makakalabas dito. Malakas yung kutob ko na marami silang nag-aabang dito. Balak nila tayong patayin.” sabi pa ni Pres Theo.
“Wala din na-” hindi ko naituloy yung sasabihin ko ng may marinig kaming mga yapak. Nagkatinginan kaming tatlo. Agad na sinilip ni Pres Theo kung sino iyon. Sumilip siya sa bintana ng bus. Binuksan niya yung kurtina na nakatakip sa nga bintana. Bigla siyang nagmadali at lumabas ng bus.
“Pres! Saan ka pupunta?” tanong ko. Hindi sumagot si Pres. Nagkatinginan kami ni Stella. Maya-maya ay nagulat kami ng bigla ulit pumasok si Pres sa bus, pero kasama niya na sila Kio at Jhairone.
“Kio!” napatayo si Stella at sinalubong si Kio. Niyakap niya ito.
“Ayos lang ba kayo guys?” tanong sa amin ni Jhairone.
“Oo. Ayos lang.” simangot na sagot ni Pres. Masama nanaman yung tingin ni Pres kay Kio. Hanggang dito ba naman?
“Anong nangyari sa mga kaklase natin?” takang tanong ni Kio.
“Hindi namin alam. Pagbalik namin, nakabulagta na sila at patay na.” paliwanag ni Stella.
“Nasaan na yung iba? Kayo lang ba nakaligtas o may iba pa?” tanong naman ni Jhairone.
“Hindi namin alam.” sagot ko.
“Nasaan na si Violet? Nahanap niyo na ba?” tanong pa ni Kio.
“Edi sana may Violet kang nakikita dito ngayon.” sagot ni Pres Theo na halatang may inis kay Kio.
“Hindi ko gustong makipag-away Theo. Nagtatanong ako ng maayos.” sabi ni Kio.
“Eh, sumasagot lang din naman ako ng maayos ah. Ano bang problema mo?” pagkasabi niya nun ay tinulak niya si Kio. Pero mahina lang.
“Ikaw yung may problema Theo.” sabi ni Kio at tinulak din si Theo. Pumagitna sa kanila si Stella para awatin sila.
“Huwag na kayong mag-away. Nandito tayo para makahanap ng paraan at para mahanap na si Violet. Hindi para mag-away.” awat sa kanila ni Stella.
“Pero, what if patay na si Violet?” nagulat kami ng biglang sumabat si Jhairone. Binatukan siya ni Pres Theo at kinutusan naman ni Kio.
“Ikaw talaga Jhairone, kung ano-anong sinasabi mo. Imbis na mag-isip ka ng maganda. Kung ano-ano pang sinasabi mo.” inis na sabi sa kanya ni Pres Theo. Nagising naman si Luke mula sa pagkawala ng malay. Iniaangat niya yung ulo niya. Nakagalaw na din yung balikat ka.
“A-anong nangyari?” takang tanong ni Luke habang natingin sa paligid.
“Mahabang kwento Luke.” sagot ko sa kanya.
“Pauwi na ba tayo?” takang tanong ni Luke habang sinusulyapan sa buong bus.
“Wala tayong susi. Nasa loob lang tayo ng bus. Pero hindi naandar ito.” sagot naman ni Stella.
“May signal ba dito?” tanong ni Kio.
“May signal ata dito. Pero sa matataas na lugar lang. Like, puno or sa may bundok.” paliwanag ni Pres. Tumaas yung kilay ko.
“Bundok?” taka kong tanong.
“Yes. May bundok dito. Kaso sa pinakadulo pa. So malabong makapunta tayo doon. Ang chance nalang natin ay yung matataas na puno.” sabi pa ni Pres.
“Bakit? Hindi ba tayo pwedeng umalis nalang?” tanong naman ni Luke.
“Luke. Mahirap makalabas. Si Sir Gomez lang yung nakakaalam ng eksaktong labasan. Baka maligaw lang tayo at lalong lumala yung sitwasyon.” sagot ni Pres Theo.
“B-bakit nasaan na ba si Sir?” tanong ni Luke. Hindi pala alam ni Luke na patay na si Sir dahil wala siyang malay nung bumalik kami dito. Nagkatinginan kami ni Stella.
“Patay na si Sir.” seryosong sabi ni Pres. Natahimik ang lahat. Hindi makapaniwala si Luke. Maski din naman kami eh hindi pa din makapaniwala sa nangyayari.
“Guys...” napatingin kami kay Jhairone ng magsalita ito.
“Ano nanaman ba yun?” tanong ni Pres.
“Diba hindi naman si Sir Gomez yung nagdadrive ng bus? May driver toh diba? Nasaan na yung driver?” tanong ni Jhairone. Nanlaki naman yung mga mata ko ng matandaan ko yung driver. Oo nga! Hindi naman si Sir Gomez yung nagdrive nito. Ibig sabihin. Wala talaga yung susi kay Sir. Nasa driver! Pero nasaan na yung driver?
“Tama! Si Mang Lorenzo pala yung nagdadrive nito.” sabi ni Pres.
“So, ibig sabihin wala kay Sir yung susi ng bus? Na kay Mang Lorenzo yun.” sabat ko. Nagkangitian naman yung bawat isa sa amin.
“At ibig sabihin. May chance pa tayong makaalis dito.” sabi ni Kio.
“Ganun nga.” sabi ko.
“Salamat sa Diyos!” sambit ni Stella. Naiiyak ako sa saya. Akala ko wala na talagang paraan para makaalis dito.
“Ang tanong. Nasaan na si Mang Lorenzo?” tanong ni Jhairone. Napatingin kami sa kanya. Iyon nanaman yung panibago naming problema.
Napahawak ako ng ulo. Panibago nanaman. Ganito ba talaga kahirap makalabas ng gubat na ito?
“Ayos ka lang Ehra?” tanong sa akin ni Luke na ikinatingin ko naman.
“Ayos lang.” sagot ko. Ito naman talaga si Luke oh. Masyadong nag-aalala. Pero nagpapasalamat pa din ako sa kanya kasi sa kabila ng lahat ay lagi niya pa ding iniisip ang kapakanan ko. Pero..
Tama ba yun?
Tama ba tanggapin ko na lahat ng ginagawa niya sa akin?
I mean lagi siyang nandiyan para sa akin. Dati eh hindi ko naman pinapansin yun dahil ayoko pa namang tanggapin yung pag-ibig na binibigay niya sa akin dahil hindi pa ako handa. Pero sa tuwing may ginagawa siya para sa akin o di kaya lagi niyang iniisip at tinatanong kung okay lang ba ako. Napapaisip ako.
Bakit kaya hindi ko siya pinapansin?
Bakit kaya ayaw ko pang suklian yung mga ginagawa niya para sa akin?
Dahil lang ba natatakot ako at hindi pa ako handa?
Pero ngayon. Pinapansin ko na yung bawat effort niya sa akin.
Sign na ba ito na ready na ako?
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...