CHAPTER 38

17 6 0
                                    

                         EHRA POV

Naalimpungatan ako sa ingay. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Umupo ako at humikab. Walang tao sa tent. Nasa labas na ata sila Stella at Violet. Sumilip ako sa labas. Hala! Gabi na agad? Ang tagal ko namang nakatulog? Lumabas na agad ako. Nakita ko yung mga kaklase ko na nagtatawanan. Binuksan ko yung cp ko at tiningnan yung oras. 7:15 pm na? Ang tagal ko namang nakatulog? Pumikit lang ako saglit ah?

“Ehra. Gising ka na pala. Tara kain tayo.” sabi ni Luke sa akin habang nalapit. Tumango nalang ako. Ang tagal ko na ngang nakatulog pero parang inaantok pa din ako. Sumunod ako kay Luke. Nakita ko sila Stella at Violet na nagpeprepare ng pagkain. Kaya pala wala sila. Sila Pres Theo, Kio at Luke ay nagpeprepare din kaya tumulong na din ako. Nakakahiya naman kung kakain lang ako noh.

“Ang tagal mo namang nakatulog.” sabi sa akin ni Stella.

“Kaya nga eh. Parang nilagyan ako ng pampapatulog.” sagot ko.

“Well, buti nagising ka pa.” biro sa akin ni Violet sabay tawa. Tumawa nalang din ako kahit medyo hindi ko nagustuhan yung joke niya.

“Guys! Laro tayo.” napatingin kami kay Adalyn na nagyayaya maglaro.

“Anong laro? Taguan?” tanong ko.

“Baliw hindi. Syempre yung simpleng laro lang.” sagot ni Adalyn.

“Anong laro ba yan?” tanong naman ni Kio.

“Truth or Dare.” napatingin ulit ako kay Adalyn nang sinabi niya yung laro. Truth or Dare? Simple ba yun? Diba may mga sabihan ng secrets dun? Truth nga diba.

“Sali ako.” sabi ni Stella.

“Ako din.” sabi din ni Kio.

“Ayoko.” sagot naman ni Violet. Pero hinila siya ni Stella. Pati ako ay hinila din.

“Sumali na kayo. Bawal tumanggi ngayon.” pilit sa amin ni Stella kaya wala na kaming nagawa. Sumali na din sila Pres Theo, Luke, Dylan, Jhairone at Emily. Nagcircle kami ng upo. Naglagay ng isang bote sa gitna si Adalyn.

“Okay guys. Habang kumakain tayo eh maglaro na din tayo nito. Iiikot ko yung bote. Kung kanino tumapat yung ibaba ng bote ay siya yung tatanungin. Kapag yung bunganga ng ng bote ay siya yung magtatanong. Ano g?” paliwanag sa amin ni Adalyn.

“Game na.” sagot ni Pres Theo.

“Pero take note na kahit ano ay pwedeng ipagawa or sabihin dito.” paalala pa ni Adalyn.

“Magsimula na.” utos ko kay Adalyn kasi naboboring na agad ako. Kaya naman inikot na ni Adalyn yung bote. Nakakakaba naman toh. Kasi feeling ko sa akin tatapat yung bote. Dahan-dahang huminto yung bote at...

Tumapat ito kina Kio at Dylan.

“Okay Dylan. Ikaw ang magtatanong kay Kio.” utos ni Adalyn.

“Truth or Dare, Kio?” tanong ni Dylan.

“Truth.” sagot ni Kio.

“Kanino ka pinakanaiinis sa aming lahat dito?” tanong ni Dylan. Ngumiti muna si Kio bago sumagot.

“Sayo.” sagot ni Kio. Napangisi naman si Dylan. Plastikan ba toh? Grabe naman. First palang yun pero ayaw ko na agad. What if tumapat sa akin yung bote? Iniikot ulit ni Adalyn yung bote. Kinakabahan nanaman ako. Huminto yung bote.

“Okay, Violet ikaw ang magtatanong. Ako yung tatanungin mo.” sabi ni Adalyn.

“Truth or Dare?” tanong ni Violet.

“Truth.” diretsahang sagot ni Adalyn.

“Uhmm. Hiwalay na ba kayo ni Dylan?” nagulat ako sa tanong ni Violet. Talagang ginandahan. Gusto ko din malaman kung ano ba talagang nangyari kina Dylan at Adalyn.

DON'TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon