EMILY POV
Nakarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Napatingin kami sa pinanggalingan ng mga putok na iyon.
“Saan yun?” takang tanong ni Adalyn.
“Hindi ko din alam.” sagot ko.
Nandito kami ngayon at hinahanap yung maarteng babaeng si Violet na yan. Masyado siyang maarte. Parang yun lang sinabi sa kanya kagabi. Akala mo ikamamatay niya. Kasama namin sila Sir Gomez. Kasama ko din sila Adalyn at Dylan. Humiwalay sila Ehra. And take note... Hindi ko na sila kaibigan. Wala na akong kaibigan sa kanila. Sila Adalyn at Dylan nakausap ko sila kagabi. Naniwala naman sila na plinaplastik sila nila Ehra pero gawa-gawa ko lang talaga yun para masiraan sila. Well, totoo din naman yun kaya bagay lang yun sa kanila. Yun din yung dahilan kung bakit pinapalayas ni Adalyn si Violet kagabi.
“Guys, pumasok muna kayo sa loob ng mga tent niyo.” utos sa amin ni Sir Gomez kaya naman pumasok kami sa mga tent namin. Nagsama-sama na kaming tatlo nila Adalyn at Dylan sa iisang tent.
“Ano kaya yun?” takot na tanong ni Adalyn.
“Baka mga hunters lang ng mga hayop yun.” sagot ko.
“Ha? Diba wala namang hunters dito?” takang tanong ni Dylan. Napaisip din ako. Oo nga noh?
“Ah!” napatili kami ni Adalyn nang makarinig ng isang napakalakas na putok ng baril. Malapit lang yun sa amin. Nagkadikitan kaming dalawa sa takot. Ano bang nangyayari? Sandaling katahimikan yung sumunod. Walang ingay. Napatakip kami ng bibig sa takot. Maya-maya ay nakarinig kami ng sigawan. Sigawan mula sa mga kaklase namin.
Agad kaming lumabas para tingnan yung nangyari. Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko si Sir Gomez. Nakabulagta at sobrang daming dugo.
Patay na si Sir Gomez...
Napasigaw din ako kagaya ng iba kong mga kaklase. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
“What happend?” tanong ni Shontelle habang umiiyak sa takot.
“Sinong gumawa niyan?” tanong naman ni Missy. Yung secretary ng section namin.
“Oh my gosh! Sir!” sigaw naman ni Ashley. Nag-iiyakan na kami dito. Hindi namin alam kung sino yung gumawa nun. Pinapasok kasi kami ni sir kaya hindi na namin nakita yung mga pangyayari.
“Guys! Nakita ko na binaril si Sir ng isang lalaking nakaitim. Nakasumbrero at facemask.” sabat ng isa namin kaklaseng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at sa sinabi niya. Lalaking nakaitim? Sumbrero at facemask? Baka iyon yung sinasabi nila dati na kumidnapped kina Ehra.
Agad akong bumalik sa tent. Kailangan kong makatakas dito. Mapapahamak ako. Inayos ko yung mga gamit ko at ipinasok lahat sa bag ko. Nanginginig ako. Kinakabahan ko.
“Hoy! Saan ka pupunta?” tanong ni Adalyn sa akin na kakapasok lang din sa tent.
“Saan pa? Edi aalis na dito.” sagot ko habang nagmamadaling inaayos yung mga gamit.
“H-ha? Bakit?” tanong ni Adalyn.
“Nababaliw ka na ba? Mapapahamak tayo dito! Umalis na tayo.” paliwanag ko sa kanya.
“Emily walang bus. Wala sa atin yung susi. Walang susi ng bus. Hindi namin alam kung saan tinago ni Sir.” sabi ni Adalyn. Tiningnan ko siya ng masama.
“Wala akong pake! Maglalakad ako! Basta makaalis na ako dito. Nanganganib yung mga buhay natin! Kung ayaw mo sumama edi wag!” sigaw mo sa kanya. Ang hirap magpiwanag. Bahala siya diyan.
“Ah!” napatili nanaman kami ng makarinig kami ng sunod-sunod na putukan ng mga baril sa labas. Kasabay nun ang mga boses ng mga kaklase namin na nagsisigawan at nagmamakaawa. Nanlaki ang mga mata namin.
Anong nangyayari?
EHRA POV
Nagising ako mula sa pagkakatulog. Nagulat ako ng mapagtanto ko na nasa isang puno ako at nakatali. Nakatayo ako at nakatali. Hindi ako makagalaw. Tumingin ako sa paligid. Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko sa kaliwa ko si Stella na nakatali din sa puno. Tumingin ako sa kanan at nakita ko si Luke na nakatali din at walang malay.
“Ehra.. Mamatay na ata tayo..” narinig ko si Stella na humahagulgol sa iyak. Hindi ako makagalaw at masakit yung ulo ko.
“A-anong nangyari? Nasaan na si Emmerson?” tanong ko.
“Ayun Ehra. Tumingin ka sa harapan mo.” pagkasabi ni Stella nun ay tumingin ako sa harapan ko. Nakita ko sa di kalayuan si Emmerson na nakatayo at inaayos yung pana at palaso niya.
“A-anong gagawin niya?” tanong ko. Sobrang kinakabahan na ako. Naiiyak ako sa nangyayari. Katapusan ko na ba? Nanlaki pa yung mga mata ko ng itutok sa akin yung pana.
“Ehra!” sigaw sa akin ni Stella. Napapikit ako. Ito na ata yung katapusan ko.
Paalam..
Nakapikit ako ng ilang segundo. Pero wala pa ding palaso yung tumatama sa akin. Dumilat ako pero isang palaso ang biglang tumama muntikan na sa mukha ko. Buti nalang at nadaplisan lang yung mukha ko.
“E-ehra...” naririnig ko si Stella na umiiyak. Hindi ko din mapigilang mapaiyak. Hindi ko pa gustong mamatay. Please lang.
“H*yop ka!” isang malakas na sigaw ang narinig namin. Napatingin kami sa direksyon ni Emmerson. Tumambad sa amin si Pres Theo na sinuntok si Emmerson ng tatlong beses. Pero nakawala agad si Emmerson at tumakbo palayo. Naiwan niya yung pana at mga palaso niya.
“Pres! Tulungan mo kami!” sigaw ni Stella kaya naman napatingin si Pres sa amin. Lumapit siya.
“Ayos lang kayo?” tanong niya sa amin.
“Ayos lang kami.” sagot ko naman. Tinanggal niya yung pagkakatali sa amin. Inuna niya si Stella, tapos ako. Nagyakapan kami ni Stella pagkatanggal ng tali ko.
“E-hra ayos ka lang? Nasaktan ka ba?” alalang tanong sa akin ni Stella. Tumango naman ako.
“Ayos lang ako. Daplis lang yan.” sagot ko sabay pinahid yung dugo sa mukha ko dahil sa daplis ng palaso.
“Guys, pakitulungan ako. Bumalik tayo sa tent. May mga first aid ako dun.” sabi ni Pres Theo habang inaalalayan si Luke na wala pa ding malay sa ngayon. Tumulong ako sa pag-alalay kay Luke. Pabalik na kami ngayon tent.
Hindi ko alam kung nasaan na si Emmerson pero for sure nandito pa din yun. Naiwan niya yung pana at palaso niya. What if balikan niya yun? Kinakabahan ako.
Nangingig yung mga paa ko. Hindi ko alam kung bakit ba nangyayari toh? Ano ba talagang kasalanan namin kina Emmerson kung bakit gusto niya kaming patayin at ubusin. Si Violet? Nasaan na kaya siya?
Hindi ko na alam yung gagawin ko. Baka mamaya maubos nalang kami dito dahil sa baliw na Emmerson na yun.
BINABASA MO ANG
DON'T
Mystery / ThrillerTungkol sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante sa isang school. Ngunit isang salita ang kanilang nakikita sa tuwing natatagpuan nila ang isang katawan ng biktima. Si Ehra na pangkaraniwang estudyante ay madadamay sa pangyayaring ito. Hindi lang...